Batters naurong ang palo sa World Cup

Sa halip na Setyembre 11-20, sa Nobyembre 12-21 pa mabibinyagan ang national baseball team para sa 9th WBSC Women’s Baseball World Cup 2020 sa Tijuana, Mexico.

Ayon kamakalawa kay Philippine Amateur Baseball Association (PABA) president Joaquin ‘Chito’ Loyzaga, ang pag-reset sa 12-team, 10-day event ay bunsod sa Covid-19 pandemic.

Kasali rin ang mga bagito pa lang sa kompetsiyon gaya ng Pinay batters ang France at host country, habang kumukumpleto sa mga lahok ang six-time defending champion Japan, two-time titlist USA, Venezuela, Netherlands, Dominican Republic, Cuba, Australia, Canada at Taiwan.

Nag-qualify rito ang ‘Pinas matapos ang bronze medal finish sa 2020 Asian Cup noong Nobyembre sa Guangdong, China sa likod ng 4-2 win-loss record, kabilang ang dalawang pagpapagulong sa Chinese.