BATTLE OF THE GIANTS

Mga laro ngayon (The Arena)
10:00 a.m.– JRU vs. Letran (jrs)
12 noon — San Beda vs. Mapua (jrs)
2:00 p.m.– JRU vs. Letran (srs)
4:00 p.m.– San Beda vs. Mapua (srs)

Kakalas ang defending champion Letran Knights sa pagkakabuhol upang masolo ang third spot sa 92nd NCAA men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan.

Sa 4-2, kasalo ng Letran ang Perpetual Help Altas at Arellano University Chiefs sa pangatlong puwesto.

Yumuko ang Knights sa Altas 55-61 sa kanilang huling laban, inaasahang babangon ang mga ito pagharap sa No. 7 JRU Heavy Bombers (2-3).

Malalaman naman kung talagang championship contenders ang Mapua Cardinals o nagpapanggap lang na malakas pagsalpok nila sa maba­ngis na San Beda College Red Lions.

Nasa No. 2 ang Cardinals (5-1 card) habang solo sa unahan ang last year’s runner-up Red Lions na perpekto sa anim na laro.

Galing sa 101-86 pa­nalo ang San Beda laban sa Arellano matapos ha­bulin ang 22-point deficit.

Maganda ang ipinakikitang laro ni Fil-Am Davon Potts sa San Beda, nagtala ng NCAA-best 31 points sa huling salang. Matikas din si Came­roonian Donald Tankoua na may 28-point, 14-rebound performance kontra Chiefs.

Si Tankoua ang itatapat kay reigning MVP Nigerian Allwell Oraeme na may average 17 points at league-best 19.2 rebounds at 3.2 blocks per game.

Sa huling panalo kontra San Sebastian Stags 88-75, bumira si Oraeme ng 13 points, 22 boards, five assists at five blocks.