Bautista, AFP binistay ang SSS

Adams, Scratchers sa ika-3 ragasa

Sa bangis ni dating Letran star at 2007 PH team member Boyet Bautista, pinagpatuloy ng defending champion Armed Forces of the Philippines ang pulit nang hagupitin ang Social Security System, 100-86 nitong Miyerkoles, Oktubre sa 8th UNTV Cup 2019 sa Pasig City Sports Center.

Nagtala ng krusyal na 17 points si Bautista sa likod ng 18 ni Alvin Zuniga para makaragasa ang AFP Cavaliers ng 3-0 sa Group I elims sa torneong inorganisa ni UNTV president at CEO Dr. Danel Razon para sa mga public servant.

Kumayod naman ng 21 markers si Ralph Lansang upang kargahin ang DENR Warriors kontra PNP Responders, 88-77, at solohin ang pamumuno sa Group II. Pinagdiinan ng Warriors na ‘di tsamba ang 101-98 salisi sa GSIS Furies.

Sumungkit din ng ika-2 panalo ang Department of Agriculture laban sa PITC Global Traders, 68-64 mula sa pagbuhat nina former PBA player Emerson Oreta at Christian Dematera na mga pumuntos ng 16 at 14, ayon sa pagkakasunod:

Ang mgs iskor:

Unang laro

DENR 88 – Lansang 21, Bangal 21, Parreño 13, Rivera 11, Ayson 10, Gamboa 8, Atablanco 2, Abanes 2.

PNP 77 – Omiping 20, Tolentino 14, Flormata 13, Villanueva 10, Cabrera 8, Elopre 6, Decena 2, Misola 2, Nicolas 2.

Quarters: 21-18, 38-44, 69-54, 88-77.

Pangalawang laro

AFP 100 – Zuñiga 18, Sergio 17, Casulla 10, Rosopa 9, Pascual 9, Almerol 8, Araneta 8, Evidor 7, Bautista 6, Fernandez 3, Cordero 3, Lumongsod 2.

SSS 86 – Quiambao 41, Roman 16, Sarmiento 12, Guierrez 6, Paclibare 2, M. Rapadas 2, R. Zarraga 2, M. Hernandez 2, S. Trinidad 2, Puño 1.

Quarters: 28-19, 57-36, 81-53, 100-86.

Pangatlong laro

AGRICULTURE 68 – Dematera 16, Oreta 14, Silva 11, Casaysayan 10, Mastelero 8, Lim 6, Tayer 3.

PITC 64 – Vasallo 13, Martin 13, Taplah 10, Porto 8, Regalado 6, Barbers 4, Gecale 4,Lopez 4, Juan 2.

Quarters: 12-10, 28-29, 39-45, 68-64. (Aivan Episcope)