NGAYONG Lunes na po ang kapistahan ng patron ng mga magsasaka, si San Isidro Labrador.
Ika-887 anibersaryo na ng kamatayan ni San Isidro, at ang isa sa mga pinakabonggang pagdiriwang ay ang PAHIYAS sa Lucban, Quezon.
Ang mga bahay na daraanan ng prusisyon matapos ang 6:00 AM Mass ay parikitan ng gayak sa mga arangyang kiping, palay, anok, gulay, prutas o ano mang galing sa bukid.
Opo! Pati unggoy at ahas ay idini-display!
At dahil matagal nang bawal ang plastic bags sa Lucban, bawal ang pagdedekorasyon ng plastik na kiping, plastik na gulay, plastik na prutas at kung anu-ano pang kaplastikan!
“Ito ay upang mapanatili ang integridad ng ating festival at ng ating kultura,” sabi ni Mayor Oli Dator.
Walang kinalaman ang mga plastik na palamuti sa pagsasaka, maging sa pagpupugay kay San Isidro, ‘di ba?!
Kaabang-abang syempre ang Parada ngayong 2:00 PM na tatampukan ng mabibikas na kalabaw, mga tindera ng pansit habhab, winners & candidates ng mga timpalak (G. & Bb. Quezon, Mutya ng Lucban, G. & Bb. Parikitan, Magandang Saklob sa Ulo), senior citizens, Mayor & Sangguniang Bayan, at mga higante!
‘Di ba, Denden Jardin?