Laro ngayon (FilOil Flyin­g V Centre)
6:30 p.m. – Adamson vs. FEU

Isa sa sinandalan ng FEU ang tapang ni Czarina Carandang kaya nakahirit sila ng do-or-die Game 3 matapos kalusin ang Adamson noong Sabado sa Premier Volleyball League Collegiate Conference.

Ilang beses nakitaan si third year-player Carandang ng bangis sa depensa sa Game 2.

Sa fifth set ay binutata ng Tanauan, Batangas native si Lady Falcons star Eli Soyud.

“Kapag crucial point tapos do-or-die kami kailangan pong ipakita ko ‘yung tapang ko lalo na po’t wala si Ate (Bernadeth) Pons saka si Ate Kyla (Atienza),” ani Carandang. “Parang naisip ko rin po na parang pam-boost din siya ng confidence,”

Maghaharap ngayong gabi sa FilOil Flying V Centre sa San Juan ang FEU at Adamson, bawal kumurap dahil wala ng bukas.

Hinihintay ng NU sa final­s ang mananalo sa FEU-Adamso­n duel.