Mga laro ngayon (PhilSports Arena)
5:00 p.m. — RC Cola-Army vs. Generika
7:00 p.m. — F2 Logistics vs. Cignal

Malaki ang tiwala ni RC Cola-Army coach Kungfu Reyes sa kanyang mga bataan kaya nasabi niyang huwag sumandal sa kanilang mga imports.

Umaasa si Reyes na lalabas ang laro ng kanyang pambatong ­players pagharap ng Lady ­Troopers sa Generika sa first game mamaya ng knockout playoffs ng Asics Philippine Superliga Grand Prix sa PhilSports Arena sa Pasig.

“Kung tutuusin hindi kami kailangan bitbitin ng imports namin dahil kung skills lang ay hindi magpapaiwan ang mga local players ko,” sabi ni Reyes.

Kailangan daw nila ang imports sa blocking dahil matatangkad sila.

Sasandalan ng Lady Troopers sina locals ­Rachel Anne Daquis, ­Jovelyn Gonzaga, Tina Salak at Nene Bautista, sasaklolo sa depensa sina American ­reinforcements Kierra Holst at Hailie ­Ripley.

Magkakaldagan ang F2 Logistics at Cignal sa main game.

Bawal kumurap ang apat na teams dahil isang mali lang ay tikwas na sila sa kontensiyon.

Sasampa sa knockout semifinals ang dala­wang mananalo para harapin ang nag-aabang na d­efending champion Foton at Petron.

Kakalabanin ng Tornadoes ang ­magwawagi sa pagitan ng Lady Troopers at Lifesavers, toka ng Tri-Activ ­Spikers ang mananalo sa ­Cargo Movers-HD Spikers duel.