Nadiskubre ng pulisya ang paggamit ng bawang para hindi maamoy ng mga K9 drug-sniffing dog ang 18 kilo ng shabu, na higit P122 milyon ang street value, na nasamsam sa Cebu City.

Sinabi ni Cebu City Police chief Royena Garma na nabisto ng pulisya ang modus na ito matapos makakita ng mga bawang sa bulto ng shabu na nakuha sa buy-bust operation sa Fatima Homes, Brgy. Inayawan Linggo nang madaling-araw.
Kinukumpirma naman ng pulisya sa Philippine Drug Enforcement Agency kung talagang maitatago ng bawang ang amoy ng shabu na siyang batayan ng mga K9 unit.

Bukod naman sa nakuhang shabu sa Ina­yawan, nakakumpiska rin ang pulisya ng 10 kilo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P68 milyon sa ikalawang operasyon sa Brgy. Casili, sa bayan ng Consolacion.