Nagpatupad ng kati­ting na bawas presyo sa mga produktong petrol­yo ang mga mga kompanya ng langis sa bansa epektibo ngayong umaga (Oktubre 22).

Pinangunahan ng kompanyang Pilipinas Shell, PTT Philippines, Seaoil, Phoenix Petroleum Philippines, Petro Gazz, Chevron at Total ang bawas presyo na P0.25 sa kada litro ng gasolina, P0.10 sa kada litro ng diesel at P0.25 sa kada litro ng kerosene na epektibo ngayong alas-sais nang umaga.

Inaasahan naman na susunod na magpalabas ng abiso ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ang ilan pang malalaki at maliliit na kompanya ng langi­s sa bansa sa kahalintulad na halaga.

Ang ipinatupad na bawas-presyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan. (Armida Rico)