Simula sa Abril 21 ay wala nang sisingilin ang diocese ng Balanga, Bataan bilang bayad sa kanilang mga pagbebendisyon at misa para sa mga patay.

Sa isang circular na inilabas ni Balanga Bishop Ruperto Santos, isasabay ang pagpapatupad sa kautusan sa paggunita ng Easter Sunday.

Naniniwala ang obispo na hindi dapat naoobliga ang mga mananampalataya para sa pagbabayad ng arancel o fixed rate para sa mga sakramento.

Sinabi naman ni Archdiocese of Manila Office of Communications head Fr. Roy Bellen na target ng Simbahang Katolika sa Pilipinas na tuldukan ang arancel system sa 2021 para sa pagdiriwang ng ika-500 taon ng pagdating ng Kristiyanismo sa bansa.