Bayan sa Pangasinan state of calamity sa ASF

Isinailalim sa state of calamity ang Malasigui, Pangasinan kahapon dahil sa kaso ng African swine fever (ASF).

Ayon kay Malasiqui Mayor Noel Anthony Geslani, dineklara ang state of calamity sa kanilang bayan upang magamit nila ang pondo ng pamahalaang lokal upang matulungan ang mga nag-aalaga ng baboy na apektado ng ASF.
Sinabi ng alkalde, nasa 678 na baboy sa dalawang barangay ang pinatay noong Huwebes.

Patuloy rin aniya ang kanilang monitoring sa tulong ng Department of Agriculture sa Brgy. Mabolitek na malapit sa bayan ng Basista kung saan nakitaan na positibo sa ASF ang ilang baboy.

Unang naitala ang kaso ng ASF sa Brgy. Apaya, Malasigui kung saan 395 baboy ang pinatay at 283 baboy naman ang kinatay sa Brgy. Plong Norte.

Aniya, patuloy ang kanilang monitoring sa tulong ng DA sa Brgy. Mabolitek na malapit sa bayan ng Basista, Pa­ngasinan na kung saan nakitaan na positibo ang ilang baboy. (Allan Bergonia)