Bidang lalaki sa pelikulang “Pansamantagal” ni Direk Joven Tan si Bayani Agbayani. Kasama niya sa pelikula sina DJ Cha Cha at Gelli De Belen na showing na ngayong March 20.
Sa trailer na inilabas ng Horse Shoe Studios ay umaabot na ito sa 6 million views. Medyo sensitive ang trailer dahil walang kiyemeng binigkas nina Bayani at Gelli ang mga salitang titi at supot.
Ayon kay Bayani ay nasa script at kailangang gawin.
“Napapanahon na sigurong tumanggap ako ng ganitong script. Matanda naman na ako at maganda ang istorya ng pelikula,” paglalahad niya.
“Hindi siya bastos. Napanindigan naming,” patawang sagot pa ni Bayani.
Pero nu’ng tanungin ko siya kung ano ang mas mahirap bigkasin sa salitang titi at supot?
“Hahahahahaha! Naku! 6 million mahigit na ang views! Feeling ko, tanggap na ng mga manonood ang ganoong batuhan ng linya sa pelikula at may ratings naman tayo. Panoorin nila ang pelikula. Masaya!” sambit pa niya.