BB bumuwelta kay Robin sa pagmamahal

NI: MILDRED A.BACUD

Sa Instagram at sa kaniyang YouTube channel na lamang nilalabas ni BB Gandanghari ang kanyang sama ng loob sa pamilya.

Matatandaang sinabi niya na nagtatampo dahil wala raw pakialam ang mga ito sa kaniya. Nakakaramdam siya ng pangungulila dahil mag-isa lamang siyang naninirahan sa Los Angeles.

Hindi man lamang daw siya magawang tawagan para kamustahin. Mabuti pa raw ang mga fan niya na nagpapaabot ng suporta sa social media.

Ang sentimyento naman nito ay nakarating naman kay Robin at sinabing tigilan na ang pagtatampo dahil marami na raw pinagdadaanan ang pamilya.

Sa kanyang post ay parang may ibig sabihin naman si BB sa pag-imbita sa kanyang viewers ng live chat at podcast niya mamayang 9:30 PM at sabi pa, “Make sure you tune in @robinpadilla so you may understand better what love actually means.”

Reaksyon naman ng isang netizen, ” Intindihin mo na lang si Robin…mabagsik kasi, tough love.Ikaw naman bababaeng filipina mahinhin but you are siblings kahit ano pa man for sure kampi pa rin kayo sa huli.”

Sabi pa ng isang nagkomento, ” Maaayos niyo rin magkakapatid.Alam ko happy na rin sila kung ano man ang gusto mo gawin sa buhay, malaya ka.Kung saan ka happy, happy na rin sila.”