BB Gandanghari may tampo kina Robin, Daniel

NI: RONA RONDA

Hindi naitago ni BB Gandanghari ang kanyang sama ng loob sa pamilya lalo na ngayong panahon ng COVID-19. Mas naramdaman pa umano niya ang pag-aalala ng kanyang mga follower at subscriber sa kanyang YouTube channel.

Kasalukuyang naninirahan si BB sa Los Angeles, California at hindi man lang umano siya kinakamusta ng mga kapatid na sina Robin Padilla, Rommel Padilla atbp .Pati ang mga pamangkin gaya nina Daniel.

Maski tawag umano ay hindi siya nakakatanggap mula sa mga ito.

Aniya, “Kasi sa ipinaparamdam sa iyo ng pamilya mo, na para kang walang kuwentang tao. Na you don’t deserve a call.

Hindi na rin niya naiwasang maging emosyonal sa nasabing vlog. Aniya, ”At least, nararamdaman ko ngayon na hindi pala ako abnormal. Baka sila, itong feeling ko na na masaktan ako, na ganito yung feeling ko. Hindi pala ako dramatic, manhid lang sila.”

Pinalakas naman ng mga netizen ang kanyang loob lalo na at mag-isa itong namumuhay sa Amerika. Bagamat may public health crisis sa kanila ay patuloy pa rin ang trabaho niya.