BB Gandanghari nade-depress dahil walang nangyayari sa career

TIMING sana na makabalik ng Pinas si BB Gandanghari para sa isang cover shoot pero pinakawalan niya ang opportunity dahil sa geographical limitation

Ang tinutukoy ni BB na photo shoot ay gagawin sana sa ilalim ng CNN Philippines para sa transwomen.

Idinaan na lang sa pagbati ang kabiguan ni Rustom Padilla na makauwi sa bansa.

Hindi naman dapat pagtakhan kung bakit imposibleng makabalik ng Pinas si BB. Unang-una, sa Los Angeles siya naka-base.

Panay-panay raw ang audition niya sa mga agencies para makakuha ng TV, movie o anumang project sa Hollywood.

Isa pa, posible ring nagtitipid ang aktres.

Kung ibabase sa kanyang mga naunang post, inaatake siya ng anxiety at depression dahil halos wala pang nangyayari sa kanyang career. Umuusad pa naman ang pagbabayad niya ng bills.

Martin kinabog ang ganda ni Paolo

HINDI napigilan ni Paolo Ballesteros ang humanga kay Martin Del Rosario sa transformation niya bilang isang transgender para sa bago niyang serye na ‘Born Beautiful’.

Makikita sa photo na mahaba ang buhok ni Martin at nakasuot sya ng one piece swimsuit .

Reaksyon ni Pao:­ “Shet!!! Nakapakaganda mo BARBS!! Soon on Cignal TV. BORN BEAUTIFUL #martindelrosario #bornbeautiful @junrobleslana @percinotpercy #ideafirst.”

Si Martin ang puma­lit kay Christian Bables bilang Barbie nang mag-back out ito sa project.

Si Barbie ang bestfriend ni Paolo sa pelikulang ‘Die Beautiful’.

Walang dudang kinabog ni Martin ang ganda ni Paolo sa ‘Die Beautiful’ considering na wala pa na anong parte ng kanyang katawan.

Balitang nagpaa­yos umano ng ilong si Paolo. Ito’y para mas madali ang panggagaya niya sa make-up transformation ng mga kila­lang showbiz perso­nalities sa abroad.