BB, ibinilad ang hubad na katawan

BB Gandanghari

USUNG-USO ang BODY SHAMING lalo na sa social media, pero walang takot na ibinilad ni BB Gandanghari ang hubad niyang katawan sa Instagram.

Nakataob si BB sa may dalampasigan at kita ang gilid ng kanyang puwet habang ang harapan niya ay nakadikit sa buhangin.

“I AM… my God’s creation,” ang caption niya rito, na may kasunod na hashtags na #sunbaked #nakedtruth #onewithnature #barenaked #startingfromscratch #nofilter #nomakeup #nophotoshop.

Maraming napa-“OMG!” sa nude pic na ‘yon ng transgender na si BB.
In fairness ay mostly positive ang comments na nabasa namin sa kanyang post.

Ang HOT daw ni BB at may mga humirit pa na kinabog niya raw ang FHM Sexiest na si Jessy Mendiola.

Mas sexy raw si BB kesa kay Jessy.
May mga tila na-inspire at nagsabing gagayahin nila ang paghuhubad na ‘yon ni BB sa beach, pero meron ding nag-react na katawang lalaki pa rin ang ‘sister’ ni Robin Padilla.

May buong ningning din na nagtanong ng, “No more lawit?”

BB Gandanghari
BB Gandanghari

Natatandaan naming nasabi sa amin ni BB nu’ng huli namin siyang matsika na nagti-take siya ng hormones in preparation for something.

Hindi kami sure kung nagpa-sex reassignment surgery na siya o intact pa rin ang kanyang sex organ.

Sa tono ni BB ay parang bet niyang magpaopera at ma­ging ganap na girl.
May ibang pics si BB sa IG na kahawig niya si Ellen Adarna.

Hilig niyang mag-beach at ang madalas niyang kasama sa dagat ay mga lalaking hindi taga-showbiz.

Ewan namin kung dyowa niya ang isa sa mga ito!