BB, magpapaputol na?!

BB Gandanghari

“CHANGE is coming… big time!”

Pinost ni ‘Rustom Padilla’ sa social media ang unang hakbang tungo sa kanyang ‘pagbabago.’

Nag-file siya ng petition na baguhin ang kanyang pangalan at kasarian.

From Rustom Cariño Padilla to Binibini Gandanghari.

From male to female.

Sex change!

“And then… It’s really just a matter of time now.”

Ang next step, ipaputol na ni BB ang kanyang lawit?!

***

Umapela si Kris Aquino sa fans na unawain ang kanyang desisyon sa career.

Post ni Kris sa Instagram, “My family understood I needed some time to reflect and just be on my own…

“You all have a right to your opinions regarding decisions I’ve made & continue to make because you are all stakeholders in my career, and I need you…

“But I’ve also been praying that you will reciprocate the respect I’ve tried my best to consistently give you by being a dedicated & passionate professional.”

***

“Hindi porke nakabasa ka ng Bibliya, tama na ang interpretasyon mo, Mr. Senator! Hello!”

‘Yan ang matapang na pahayag ni Dr. Love sa teleradyo kay Manny Pacquiao. Pareho ang tono ng HELLO ni Dr. Love at ni Jimboy Salazar (RIP) na minsang na-link kay Mahal.

***

Swerte ni Ken Chan kung nakalusot siya bilang isa sa PEP List awardees.

Pero pagkatapos siyang panoorin sa kanyang concert sa Zirkoh noong weekend, A for effort si Ken pero Destiny Rose needs more practice daw.

***

Sina Derrick Monasterio at Janella Salvador ang na-request na kumanta ng The Prayer at Que Sera Sera sa birthday ng well-loved na si Mother Lily Monteverde.

Ho-hum at waley lang ang kanilang pagkanta na natabunan ng masayang tsikahan ng attendees.

***

May kaba noong una pero nairaos nang maa­yos ni Frankie Cuneta-Pangilinan ang kanyang unang pagkanta sa TV bilang dalaga na.

Inawit ni Kakie ang very first hit ng mommy niyang Megastar na Mr. DJ with matching pagtugtog ng gitara.

Mahusay ang boses niya at may angking karisma rin na maaaring idolohin din at magkaroon ng maraming taga­hanga.