BB naospital sa discrimination

tonite-imo-vinia-vivarAng daming naawa kay BB Gandanghari sa kanyang post kahapon kung saan ay ini-reveal niyang biktima siya ng work bullying at diskriminasyon sa US at nasa hospital.

Ipinost ni BB ang larawan ng kanyang wrist na may hospital tag (dated March 20) at sa simula pa lang ng caption niya ay nakasaad na “say no to workplace bullying.”

“Say NO to workplace BULLYING…. What would you do when you’re transgender and your personal and professional boundaries are being violated and attacked in a work environment who claims to be a SAFE ZONE for people like me?” simula ng caption ni BB.

Dagdag pa niya ay in-advise raw siya ng doktor na magpahinga muna from work habang nagpapagaling sa kanyang extreme emotional distress at severe anxiety attack.

“My body’s a train wreck that I was advised by my doctor to pause from work as I deal with this extreme emotional distress and severe anxiety attack that’s causing my blood pressure to shoot up. So help me God,” saad pa ni BB.

Sa dulo ng kanyang caption ay nilagyan niya ito ng mga hashtags na #SayNoToBullying #NoToDiscrimination#NotoRacism #NotoHypocrisy.

Hindi na idinitalye pa ng kapatid ni Robin Padilla kung anong klaseng pambu-bully ang ginawa sa kanya, pero para maospital pa siya, mukhang hindi ito biro.

Sa comments section ay maraming nakisimpatiya sa kanya’t nagbigay ng moral support and advices. May nagpayong i-report niya or idemanda at may nagsabi namang umalis na siya sa US at bumalik na lang sa Pilipinas or sa ibang bansa.

Nag-comment ang dating aktres na si Princess Punzalan at aniya, “oh dear…I pray you get better soon.”

Matagal nang naninirahan si BB sa US to pursue her dream of becoming a ­Hollywood star. Ang dami rin niyang hirap na dinaanan na ipinost naman niya rin sa kanyang IG before.
***

K, Pokwang, Kakai galit sa panggagamit kay Chokoleit

Galit na galit sina K Brosas, Pokwang at Kakai sa paggamit ng larawan ni Chokoleit para sa promo ng isang herbal product online.

Ipinost ni K sa kanyang IG ang naturang ad na may larawan ng yumao niyang kaibigan.

“Sinong hindi mang gigil SA ganito?! Actually kahapon May na post din ako na networking keme na ginamit din pics ni Chokoleit sa Fb page ko, pero infer nag apologize yung mismong company kc dealer lang daw yung nag post.. pero ito iba!!!

“Nag comment na kami nila @pooh_tik At @itspokwang27 na burahin At paki explain bakit kelangan gamitin pics ni Chokoleit SA promo NG nyetang vegiemax nila?? Aba! Imbes na burahin yung post nila.. binura yung comments namin?!

“Wow! At ang hindi ko kinaya eh nag comment pa sila na ‘kung naka take c Chokoleit NG vegiemax, malamang buhay pa sha’ (SWIPE para makita) .. seriously?!!

“BAWAL po yan FYI.. ang pag gamit NG pic NG sino Mang artista na di nyo endorser o walang permiso… ano pa kaya kung patay na?!! Pwede kayong idemanda Mga dimunyu kayo!

“Pwede tayo mag negosyo At mag trabaho NG tamang paraan.. wag Mang gamit ng ibang tao At RESPETO lang naman! Dahil dinedma nyo mga comments at paki usap namin.. ayan! Sikat kana!! Palakpakan!!” ang caption ni K.

Sa comments section ay tumalak din si Pokwang at aniya, “ayaw mag hanap buhay ng patas mga hayop nayan!!! palaklak konkaya sa kanya lahat yan ng isang inuman lang? buhay pa kaya yang hayup nayan???”

Galit na komento naman ni Kakai, “SOBRANG KAPAL NG MUKHA.
“MGA UNGAS!!!!!!!!”

Pero nagkaroon naman agad ng magandang resulta ang mga galit nila dahil ang sumunod na pagbabalita ni K sa comments section, nabura na raw ang ad.

“@itspokwang27 Naku eto paaaaa.. nag direct message pako SA kanila para mabura na dapat kanina Pa, ang sagot ay ‘Di po gumagana delete botton eh’ shunga lang? Sabi ko, na delete nyo comments naming lahat pero di ma delete yung post?!

“Ayun.. nung pinost ko to saka nag delete Mga Dimunyu!” ang update ni K sa comments section.