BB saludo kay Duterte

“Napakatalino ng presidente ninyo. Makinig kayo!,” – ang wika ni BB Gandanghari sa kanyang YouTube vlog.

Sinagot niya kasi ang tanong ng isang netizen kung tapos na ba ang anti-coronavirus lockdown sa Los Angeles, California kung saan siya nakatira ngayon.

“Hindi! Please, makinig kayo (naka-fast forward ang video) Kasi ganun din kami dito. Kaya ‘yung sinasabi n’yong lockdown, hindi ibig sabihin na, may mga kailangang lumabas ng bahay, ito ‘yung sinasabi ni Duterte,” sey ni BB sa 27-minute mark ng kanyang 26th vlog na pinamagatang “Heart to Heart talk over Steak and Wine.”

“Maraming salamat sa’yo, Pangulong Duterte ha (sumaludo) at sana, kasi maraming nakikinig sa’kin nasa Pilipinas, araw-araw na lang akong pinage-explain bakit ako nasa labas. Nandito lang ako sa Amerika, pero ako yung pinupunto ni Presidente Duterte nung sinabi niyang “‘Yung mga kailangan magtrabaho, ipahuhuli ko ba ‘yon? Syempre, hindi! Mabuti nga’t nagtatrabaho. Hindi ko na sila iintindihin.” That’s his exact words. Napakatalino ng presidente ninyo, makinig kayo,” sambit niya pa.

“Ang kulang sa inyo, makinig! ‘Di ba, daddy? (tumawa) Si Daddy Duterte.”

Pinabulaanan din ni BB sa isang Instagram Live ang kumalat na fake news na yumao na siya.

“Yes I’m okay… in the grace of our Lord,” deklara niya.(SDC)