BBL ipursige, ‘wag isantabi — Bam

bam-aquino

Hindi man ito nakasama sa mga prayoridad na pa­nukala sa Legislative E­xecutive Development Advisory Council (LEDAC), iginiit ni Sen. Bam Aquino na ipursige pa rin ang pagsasabatas ng pa­nukalang Bangsamo­ro Basic Law (BBL), ­dahil makatutulong ito para magkaroon ng kapa­yapaan sa Marawi at sa buong Mindanao.

“Wala man ang BBL sa mga inilatag na prayo­ridad na panukala, huwag natin ito isantabi. Magsisilbi itong daan upang maabot ang matagal nang inaasam na kapayapaan sa Minda­nao,” wika ni Sen. Aquino.

Si Sen. Bam ay mi­yembro ng Senate Special Committee on Marawi City Rehabilitation, na magsasagawa ng unang pagdinig sa Martes.

Kamakailan, isinu­mite ng Bangsamoro Transition Commission (BTC) kay Pangulong Duterte ang draft ng revised BBL ngunit hindi naman nabanggit ng Pa­ngulo ang BBL sa nakaraang LEDAC.

“I hope we can still push for this reform for our countrymen in the Bangsamoro region,” giit ni Sen. Bam, “Let’s pass the best possible version of the BBL and establish peace and prosperity in the region,” ayon kay Aquino.

Makakatulong umano ang BBL kontra teroris­mo, rebelyon at krimen sa pamamagitan ng kapayapaan, kaunlaran, edukasyon at trabaho.

“Sa tulong ng BBL masusugpo natin ang matagal nang problema sa Mindanao, lalo na ang terorismo at rebelyon sa pamamagitan ng kaunlaran, trabaho at edukasyon,” ani Aquino.