BDO puntirya 100 health center

Target ng BDO Foundation ngayong 2020 na maipaayos ang nasa 100 rural health center sa buong bansa sa gitna ng mahigpit na pangangailangan sa pagharap sa COVID-19 pandemic.

Ayon sa statement ng BDO, misyon ng kanilang corporate social responsibility arm na i-rehabilitate ang kanilang 100 health center bilang parte ng kanilang effort para mapaganda ang healthcare system ng bansa.

Taog 2012 pa nagsimula ang BDO sa naturang rehabilitation program, kung saan lumilibot sila sa mga liblib na lugar at madalas tamaan ng mga kalamidad para mapaganda ang health service. Sa ngayon ay nasa 89 rural health unit na ang nare-rehabilitate ng BDO Foundation sa tulong na rin ng BDO at BDO Network Bank Branches, kung saan ang mga opisyal ng nasabing bangko ang nagrekumenda ng mga health center na dapat matulungan.

Ang pinakabagong napaganda ng BDO Foundation ay ang Magallanes Rural Health Unit sa Agusan del Norte at Calatrava Rural Health Unit and Birthing Facility sa Negros Occidental. Kasama sa mga pinaayos sa mga health center ay ang layout at interior design, lobby at waiting areas, offices, clinics, consultation rooms, treatment rooms, facilities at spaces para sa mga health worker at pasyente. (RP)