KABOGERA ang bagong parangal para sa Comedy Queen Ai Ai delas Alas.

Most Influential Actress of the Year ang award na iginawad sa kanya ng EdukCircle Awards.

Ayon sa kanilang official homepage, “The EdukCircle re­cognizes exemplary performan­ces of personalities in news and entertainment whose professional works have made significant contributions to Philippine music, film and television.

“This year’s EdukCircle Award winners are adjudged through Public Votes 30%, Students Votes 30% (students cast their votes during EdukCircle international conventions in different academic fields) and the Academy of EdukCircle Judges Votes 40% (the Academy of EdukCircle Judges is composed of college deans from different universities all over the Philippines).”

Ang reaksyon ni Ms. Ai sa kanyang latest victory, “Siyempre, masarap sa pakiramdam bilang matagal na ako sa showbiz, 26 years na ako, ‘neng.

“Nakakatuwa na at my ripe age, mga bata pa ang bumoboto sa akin. Kasi, maliban sa mga deans at professors, may student votes rin.”

Patuloy ng Comedy Queen, “Blessing talaga ito, kasi, nare-recognize nila ang craft at kakayahan ko bilang aktres. Saka, bongga ang award, ‘di ba, most influential actress, panalong pakinggan.

“Iba ang arrive. Hahahaha!”

At dahil “influential” is the adjective used, anong klaseng implu­wensya ba ang gusto niyang maramdaman of her adoring public?

Sagot agad ni Ms. Ai, “Gusto kong maipluwensyahan ang mga kabataan bilang isang huwarang ina at isang actress na may tunay na pagmamahal at respeto sa Diyos.

“Na isa akong celebrity who aged gracefully. Patuloy akong maghahatid ng saya at ligaya, mga bagong payanig at paandar para sa lahat ng mga Pilipino.

“Siyempre with this recognition, lalo ko pang ibibigay ang best ko and additional inspiration para sa craft bilang comedienne and actress.

“I want the public to know, realize and experience na totoong-totoo ang kasabihan na laughter is the best medicine.

“Na ang pagiging masayahin, ang la­ging paghalakhak at pagngiti, malaki ang maitutulong sa buhay.

“Proven scientifically na if you laugh a lot, it cures multitudes of illnesses. Pak na pak pag laging masaya.”

Katabla niya bilang most influential actress si Bea Alonzo.

“I am happy for her,” pahayag ni Ms. Ai.

“Nagkatrabaho na kami dati, sa Betty La Fea. Anak-anakan ang turing ko sa kanya.

Tingnan mo naman, sa pangyayaring ito, masasabi kong anak ko talaga siya.”

Ano kaya ang reaksyon ni Ms. Ai sa mga magtataas ang kilay sa bago niyang parangal?

Ang very well said at mala-pang Ms. Universe niyang sagot, “I refuse to entertain negativity and negative people. Life is too short and life is so good and big to get caught up on empty drama.

“I surround myself with positive people who bring out the best in me. Pak! Tsak! Ganern! Hahahaha!”

Naku, Ms. Ai, with your thank you for that wonderful answer, walang duda na ikaw ang most influential actress of the year. Mabuhay ka!

One Response