tonite-this-is-it-roldan-castro

Inilabas na ng mga Dalubguro ang mga panalo sa GAWAD PASADO. Gaganapin ang awards night sa May 18 sa Tanghalang Herbert Bautista, Quezon City Polytechnic University.

Narito ang mga nagsipagwagi: Ronaldo Valdez (Los Bastardos), Dangal ng PASADO Lifetime Achievement Award; Rainbow’s Sunset, Kasal, Bomba, Aria, Kuya Wes, PinakaPASADOng Pelikula; Allen Dizon (Bomba), Paulo Avelino (Kasal), Ogie Alcasid (Kuya Wes), Eddie Garcia (Rainbow’s Sunset) PinakaPASADOng Aktor; Gloria Romero (Rainbow’s Sunset), Ai Ai Delas Alas (School Service), Bea Alonzo (Kasal) ang PinakaPASADOng Aktres;
Tony Mabesa (Rainbow’s Sunset), Joel Lamangan (School Service), Ricky Davao (Kasal) PinakaPASADOng Katuwang na Aktor; Aiko Melendez (Rainbow’s Sunset), Sunshine Dizon (Rainbow’s Sunset), Angellie Nichole Sanoy (Bomba), PinakaPASADOng Katuwang na Aktres; Joel Lamangan (Rainbow’s Sunset) PinakaPASADOng Direktor; Kenken Nuyad PinakaPASADONG Likhang Bata (Child Aktor).
Abangan bukas ang karugtong. Congrats sa mga nagwagi.

 

Ion Perez hinahabol ng beki sa ₱100K?

Made na talaga si Kuya Escort Ion Perez. May lumitaw na isyu na hinahabol umano siya ng isang beki dahil may utang daw siyang P100,000? True kaya ito?

Pagkatapos maging kontrobersyal ni Ion sa relasyon nila ni Vice, nasundan agad ng intriga.
Wala namang masama kung nanghiram talaga ng pera si Ion sa kaibigang beki. Ang importante ay marunong magbayad ng utang at hindi tinatalikuran.

Bukas ang espasyo ng Abante Tonite kay Ion sa ikakalinaw ng isyu.

Samantala, kampante lang ang kampo nina Tekla at Boobay sa pasabog nina Ion at Vice Ganda ngayong gabi sa GGV. Tatapatan daw ito ng Prank You segment ng “The Boobay and Tekla Show.”
Abangan kung aling programa ang angat sa ratings.

JBK magpapasiklab sa first major concert

Handang-handa na ang GMA Artist Center millennial trio na JBK na ipagdiwang ang kanilang ika-limang anibersaryo sa industriya sa kanilang major solo concert na gaganapin sa Marso 29 sa Music Museum.

Ang Kapuso all-male group nina Joshua Bulot, Bryan del Rosario at Kim Ordonio ang unang Filipino boyband na lumaban sa international stage ng “The X-Factor UK” noong 2017.

Ayon sa GMAAC stars, maraming dapat abangan ang fans sa kanilang concert na pinamagatang “Just Be Kind.”

“Dapat nilang abangan ‘yung mga hugot skits namin at kakaibang style ng kantahan,” kuwento ni Joshua.

“Kami mismo ‘yung gumawa ng line up namin. You’ll be hearing songs na never namin kinanta sa mga live gigs before such as songs from Queen,” dagdag ni Bryan.

Sumailalim din sa iba’t ibang training ang grupo bilang preparasyon sa concert, “We always review our songs before we end our day. We are currently doing vocal lessons and dance rehearsals para paghandaan ‘yung transition ng bawat kanta,” saad ni Kim.

Makakasama rin nila sa isang gabi ng natatanging performances ang special guests na sina Asia’s Pop Sweetheart Julie Anne San Jose, Bradley Holmes, Kakai Bautista at ang cast ng Rak of Aegis kabilang si Nina Espinosa at marami pang iba.

Ang “Just Be Kind” ay sa ilalim ng produksyon ng Winstruck Events Production. Para sa iba pang detalye at katanungan, tumawag lang sa 0917-862-1313.
Ang proceeds ng concert ay mapupunta sa Mabuhay Desert Foundation, YesPinoy Foundation and HERO Foundation, Inc.