Bea , Angelica bumigay ang katawan

Sagad-sagaran lately ang schedule ng mga bida ng Unbreakable na sina Bea Alonzo, Angelica Panganiban at Richard Gutierrez kaya naman bumigay na nga ang dalawang aktres at sabay pang nagkasakit.

Kuwento nga ni Chard, muntik na rin daw siyang magkasakit dahil nga sa ngaragan nga talaga nitong mga nakaraang linggo.

“Nun’g tinatapos namin ang pelikula, may mga eksenang sobrang bigat na parang ginawa nila (Bea and Angelica) nun’g last day of shoot namin.

“Tapos ‘yun, after nun’g day na ‘yun, nawalan ng boses si Bea, si Angelica, nagkasakit. So, hindi sila masyadong nakaikot sa mga mall tour,” kuwento ni Chard nang makatsikahan namin sa block screening para sa movie na ginanap last Wednesday sa The Podium Cinema.

‘Yung last 10 shooting days daw nila ay straight daw talagang kinunan and even after the presscon ay nag-shoot pa sila.

Pero ani Chard ay sulit naman ang lahat ng pagod dahil nang mag-ikot siya sa mga sinehan nun’g opening day last Wedneday ay natuwa naman

Samantala, last presscon ay nasabi nga pala ni Richard na talagang nakita niya ang pinagdaanang heartbreak ni Bea since nang nagsimula nilang gawin ang film ay kabe-break lang ng aktres kay Gerald Anderson.

Hindi namin natanong kay Chard that time kung team Bea ba siya kaya tinanong namin nang makatsikahan namin siya.

“Ako, neutral ako. Pero siyempre, si Bea ‘yung lagi kong kasama, siya ‘yung narinig ko ‘yung story niya. ‘Yun,” sabi ni Chard at hindi na dinugtungan.

When asked kung hindi ba nakaapekto sa shooting ang pinagdaanang pain ni Bea, ani Chard ay napaka-professional daw ng aktres.

“Ang galing nga nina Bea and Angelica kasi pag walang eksena, parang chill lang sila, mga kalog, alam mo ‘yun? Tapos pag eksena na, sobrang galing. So du’n mo makikita talaga ‘yung skills nila,” sabi pa ni Chard.

After the movie, sa teleserye naman magpo-focus si Chard with Bea pa rin at kasabay din nito ang preparations para sa wedding nila ni Sarah Lahbati na gaganapin sa March.

Annabelle nandiri sa kissing scene ni Ruffa

Nakatsikahan din namin si Ruffa Gutierrez sa nasabing block screening na of course ay dumating para suportahan ang kanyang younger brother. Natatawa nga niyang sabi, hindi man lang daw siya nakapag-blower dahil sa traffic all for the love of Chard.

Si Ruffa ay may ginagawa ring teleserye sa ABS-CBN, ang Love Thy Woman with Kim Chiu and Xian Lim.

“Di ba, na-delay ‘yun, because di ba, Erich Gonzalez resigned? So they had to reshoot the scenes, and sa istorya actually, mga 3rd or 4th week pa ako papasok sa teleserye.

“So, since inulit nila lahat ‘yun, medyo nadelay. So ngayong December, magte-taping na ako. Sabi ko, ‘nakalimutan ko na nga ‘yung role ko, ano ba ‘yung role ko ulit?’

Comeback teleserye bale ito ni Ruffa since sa TV5 pa raw ang last series niya. Pero happy naman ang aktres na nasa punto na siya ngayon na stable na rin ang estado at hindi na kailangang magtrabaho sa showbiz nang kayod talaga.

“I’m just happy and grateful that I’m given the chance to choose my projects and not work the way I worked before. Siyempre naman, alam mo naman ang showbiz di ba? Pag bata ka, baguhan ka, talagang super kayod to death ka.

“So, thankful naman ako na marami akong investment na maganda na hindi ko na kailangang masyadong magpuyat ng hindi ko gusto ‘yung project or hindi ko gusto ‘yung ginagawa ko,” she said.

Kaya kahit wala siyang masyadong projects ay kumikita pa rin siya lalo na raw sa panahon ngayon na kahit sa social media at internet lang ay puwede nang kumita.

When asked kung kaya pa ba niya ang mga daring scenes tulad ng mga May-December theme na younger ang leading man, naikwento ni Ruffa na may tinanggihan na nga ang mommy at manager niyang si Annabelle Rama na kissing scene sa isang teleserye na hindi na niya binanggit kung ano.

“Well, actually in-offer-an ako ng teleserye na may kissing scenes. Bago pa nakarating sa akin, tinanggihan na ni mommy. Kadiri raw. ‘Naku, kadiri ka ha?’ ganyan-ganyan, ‘matanda ka na, magki-kissing scene ka pa?” (sabi ni Annabelle).”

Pero okay naman daw sa kanya since made for TV lang naman ang kissing scene at hindi naman ‘yung matindi talaga. Pero ayaw daw talaga ng kanyang ina. Kaya wala na siyang nagawa.

Tawa kami nang tawa dahil at her age, talagang hindi siya pinapayagan ng kanyang ina na makipag-kissing scene.