Bea at Gerald kumpirmadong hiwalay

Inamin ni Bea Alonzo na single siya. Ito’y kumpirmasyon sa balitang hiwalay na sila ng kanyang rumored boyfriend na si Gerald Anderson.

Buong ningning na sinabi ni Bea na hindi sila ngayon ni Gerald nang tanungin ng abs-cbnnews.com

Pinipilit nilang ayusin ang gusot dahil nag-uusap pa rin sila. Kumbaga, okey naman ang communication nila pero walang commitment.

Todo naman ang suportang ibinibigay ni Gerald kay Bea lalo na sa nalalapit na showing ng ‘Kasal’ sa May 16
May sulat ang aktor sa ‘Magandang Buhay’ bilang surprise sa aktres. Binigyan niya ng assurance si Bea na nandiyan lang siya sa tabi anytime na kailanganin siya.

Ito na ang pangalawang paghihiwalay nina Bea at Gerald. Na-link din ang dalawa nu’ng 2010. Inamin ni Gerald sa isang panayam na natakot siyang ipaglaban noon ang pag-iibigan nila ni Bea.