Bea, Ateneo pinaamo ang Uste

lady-eagles-

 Mga laro sa Miyerkoles:

(FilOil Flying V Center)

 2:00 pm – UP vs Adamson U

 4:00 pm – DLSU vs FEU

Ganadong maglaro sina Bea de Leon at Jules Samonte kaya nakalsuhan ang two-game skid ng last year’s runner-up Ateneo de Manila University sa 80th UAAP women’s indoor volleyball tournament elims kagabi sa FilOil Arena, San Juan City.

Kumayod si De Leon ng 11 points habang nilista ni Season 79 Rookie of the Year Samonte ang 10 markers para sa Lady Eagles, kinalos ang University of Sto. Tomas, 16-25, 25-22, 25-22, 25-23.

Nahirapan ang Loyola Heights-based squad na makuha ang unang panalo sa tatlong salang dahil sa ipinakitang tikas ni Tigresses star Sisi Rondina. Mabuti na lang at bukod kina De Leon at Samonte ay tumulong din sa opensa sina Kat Tolentino at Jho Maraguinot ng tig-11 markers.

Hinabol ng AdMU ang 12-17 pagkakalubog sa fourth set upang hawakan ang manibela, 24-21, at sikwatin ang mahirap na panalo.

Bumira si skipper Maddie Madayag ng siyam na puntos kasama ang apat na kill blocks.

Nagkaroon ng injury si Tigresses libero Rica Rivera sa kaagahan ng opening frame. Nirehistro ni Rondina ang 22 points para sa UST na napadpad sa 1-2 card.