Siyempre, ang anak niyang si Bea (na 8 taon na ngayon) ang isa sa pinakamalaking­ himala, at nagpapasaya talaga­ kay Andrea.

Mahabang kuwento at sobrang hirap nang pinagdaanan nilang mag-ina, dahil si Bea nga ay nagdaan sa sakit nung baby pa ito.

“Mga windang moments ko ‘yon sa life, na mahirap talaga,­ pero kung kailangan kong pagdaanan ‘yon ulit ngayon,­ okey lang. Kahit sampung beses pa, gagawin ko ulit para sa anak ko.

“But she’s okey na nga­yon. Medyo hindi lang siya tulad ng ibang normal kid. Pero, okey siya ngayon. Bigay talaga siya ng Diyos sa akin.

“Para pagdaaanan ko ‘yon at malampasan, mala­king bagay talaga, at inspirational. Sa ngayon, sobrang challenging na sa akin para magka-baby pa ulit. Pero kung kailangang mag-In Vitro, why not? Para magka-baby lang ulit.