PHYSICALLY prepared si Bea Binene para sa role niya bilang si Anya sa Mulawin vs. Ravena.

Ani Bea, mas magaan na ang timbang niya ngayon kesa noon, so mas kaya niya ang katawan niya ‘pag inaangat siya ng harness.

At ‘pag alam niyang magha-harness siya ay hindi siya masyadong kumakain.

Bukod sa pagbababad sa gym at pagwu-workout, nakatulong kay Bea ang kanyang wushu trai­ning lalo na sa fight scenes at sa mga sipa-sipa na eksena.

Maliit si Bea at magaan, pero aminado siyang ang problema niya ay ang braso at hita niya na may kalakihan.

Kaya panay ang workout niya para ma­ging toned ang kanyang katawan.

Enjoy si Bea sa lipad-liparan scenes ni Anya. Ang dalawang taping days niya so far ay pa­nay flying scenes.

Masakit sa singit ang harness, pero enjoy.

Si Anya ay anak ng Mulawin na si Aviona (Carla Abellana) sa napangasawa nitong mortal na si Rodrigo (Tom Rodriguez).

Pag-aagawan si Bea nina Derrick Monasterio at Kiko Estrada sa Mulawin vs. Ravena.

Sey ng 19-anyos na dalaga, pareho niyang kaibigan sina Derrick at Kiko, na pareho ring malapit sa puso niya.