tonite-pak-allan-dionesSa Niseko sa Japan inabutan ng pagpatak ng 2019 ang mag-sweetheart na Bea Alonzo at Gerald Anderson.

Tamis-tamisan ang BeaRald doon na kahit nagyeyelo ang lugar ay pinapainit nilang dalawa sa kaswitan nila.

Parang bata si Bea na humiga sa niyebe at nag-form ng snow angel. Tuwang-tuwa siyang nagtampisaw sa yelo kasama ang guwapo niyang boyfie na si Ge.

Kahit nagkaintriga sa dalawa nu’ng 2018 at nabalitang nag-break sila ay tila matatag pa rin ang BeaRald at nananatiling inlabey sa isa’t isa.

Lamig-lamigan din ang pinuntahan nina Luis Manzano at Jessy Mendiola. Sa Seoul, South Korea nag-celeb­rate ng kanilang 3rd New Year’s together ang JesLu.

Ang sweet ng kissing pic nila sa may kalye habang balot na balot sila sa lamig.

Sa isang IG post niya ay nagpasalamat si Jessy dahil nagbago raw ang buhay niya in a year at natuto siyang maging more positive at mag-let go ng mga bagay na hindi niya kayang kontrolin at baguhin.

Ang mag-asawang Anne Curtis at Erwan Heussaff ay nag-Korea rin right after ng MMFF awards night, pero bu­malik sila bago mag-New Year at dito nila sinalubong ang 2019 with family and friends.

Marian pasabog sa bikini kahit buntis

Sina Dingdong Dantes at Marian Rivera ay nag-Siargao with their daughter Zia. Um-aura sa beach nang naka-bikini si Marian, na kahit preggers ay ang sexy pa rin ng dating.

Si Zanjoe Marudo ay spotted din sa Siargao kung saan nakatira ang rumored model-girlfriend nitong si Josie Prendergast.

Sweet ang pic ng dala­wa na nakaupo sa bed at mukhang magsyota na talaga sila. In fairness ay walang post sa social media si Z at mukhang seryoso talaga ito sa Fil-Aussie girl.

Ang chinita-chinito lovebirds na sina Kim Chiu at Xian Lim ay sa Shanghai, China winelkam ang 2019.

Rumampa sila sa Xian, China na sabi ni Xian ay doon nanggaling ang pangalan niya, tapos ay para silang mga bagets na nag-enjoy sa Shanghai Disneyland Park.

Nanginginig ang KimXi sa sobrang ginaw doon na may snow din, pero mukhang human jacket naman nila ang isa’t isa so keri lang ang lamig!
Happy 2019, everybody! PAK!!

***
Bong nagulantang sa paggising

Nakasama namin si Senator Bong Revilla and fami­ly nu’ng New Year’s Eve sa bahay nila sa Imus, Cavite.

Naaliw kami sa chika sa amin ni Sen. Bong na parang ‘namamahay’ pa siya dahil 3 weeks pa lang siyang nakakalabas after niyang makulong nang mahigit apat na taon sa Camp Crame.

Minsan daw ay nagigising siya na parang nagugulat siya kung nasaan siya dahil nasanay siya sa kuwarto niya du’n sa Crame, so parang naga-adjust pa rin daw siya.

But of course, very happy siya na nakapiling na ulit niya ang kanyang pamilya nu’ng Pasko at sa pagsalubong ng Bagong Taon.
Sama-sama ang buong Revilla family na nanood ng fireworks sa Imus Cathedral, na tradisyon na pala ng kanilang angkan through the years.

Aminado si Sen. Bong na sobrang na-miss niya ang pag-arte sa harap ng kamera, kaya after the elections ay sure na ang kanyang pagbabalik-showbiz.

May lumabas na teaser ang “Alyas Pogi 2019” na dinirek ni Rico Gutierrez, so sigurado nang may gagawin siyang pelikula this year.

May offers na rin sa kanya sa TV, pero hintayin na lang daw ang mga mangyayari dahil magi­ging abala muna siya sa pag-ikot sa buong Pilipinas.(Allan Diones)