KAKAMPI pa rin ni Andeng (Bea Alonzo) ang televiewers sa kanyang laban for love sa patuloy nilang pagtangkilik sa primetime serye na A Love to Last sa ABS-CBN.

Base sa datos ng Kantar Media, nasungkit ng nasabing serye ang 16.8% na national TV rating mula sa pinagsamang urban at rural homes, laban sa 10.2% ng bago nitong kalaban na programa na My Korean Jagiya.

Matapos ang aksidente ni Anton (Ian Vene­racion), pinili ni Andeng na umuwi na para alagaan ang kanyang asawa.

Labis itong ikinatuwa ni Anton at ipinangako sa asawa na tuloy pa rin niya itong susuyuin at sabay nilang aayusin ang kanilang mga problema.

Sa kabila nito, hindi pa tapos ang laban dahil sa patuloy na panggugulo ni Grace (Iza Calzado) at paninisi ni Chloe (Julia Barretto) sa kanya sa nangyari kay Anton.

Hanggang kailan guguluhin ni Grace ang buhay ng mag-asawa? Paano poprotektahan ni Andeng ang pagsasama nila ni Anton?

Ano ang hakbang ni Anton tungkol dito?

Samantala, inaanyayahan ng cast ng teleserye ang lahat na makisaya sa kanila sa Love Goals: A Love to Last Concert na gaganapin sa September 8 nang 8:00 PM sa Kia Theater, Araneta Center, Cubao, QC.

Para sa tickets, tawagan ang hotline ng Ticket­net na 911-55-55.

Huwag palalampasin ang A Love to Last, Lunes hanggang Biyer­nes, pagkatapos ng La Luna Sangre, sa Primetime Bida ng ABS-CBN.