Bea inasar si Ian

Walang problema kay Ogie Alcasid kung tawagin man siyang tito ng mga kapwa niya artista.

Hindi na rin naman uso na tawagin siyang kuya sa industriya. Tanging sina
Jolina Magdangal at Karla Estrada na lang daw ang tumatawag sa kanya ng kuya.

Magingsi Daniel Padilla ay “tito” rin ang tawag sa kanya kahit mas malaki
at matangkad pa ito sa kanya.

Sa kaso naman ni Ian Veneracion, parang nagiging biro na lang kung minsan
ang pagtawag ng “tito” sa kanya.

Ipinaliwanag din ng aktor na walang dapat ika-offend dito. Aniya, “Ang sa
atin, it’s a sign of respect and when you say ‘tito, tita’, ako I grew up in
showbiz, kahit ‘di ko kakilala (ganoon ang tawag ko).”

Isiniwalat din ni Ian na madalas siyang inaasar ng aktres na si Bea Alonzo
sa pagtawag sa kanya ng tito. Bilang bawi ng aktor, tinatawag din niyang tita ang
aktres.

Hindi na rin umano sila nao-offend sa tuwing may batang artista na tatawag ng
tito. Parte na umano ng kultura at pagbibigay respeto ito kahit minsan ay naninibago pa rin sila.

Anyway, magsasama sina Ogie at Ian sa isang concert na pinamagatang
KILABOTITOS .Gaganapin ito sa New Frontier Theatre sa March
20, 21, 2020, 8PM.

Ang tiket ay mabibili sa ticketnet.com.ph at Ateam (0906-287-8049, 0917-795-8283)

Amuhin ang biyenan: Regine nag-tip kay Matteo

Nagpayo si Regine Velasquez kay Matteo Guidicelli kung paano i-handle ang situwasyon nila ni Mommy Divine.

Alam ng lahat na hindi boto ang ina ni Sarah Geronimo sa kanyang manugang.

Sey ni Regine, normal sa isang pamilya na merong hindi pagkakaunawaan dahil wala namang perpekto. Minsan din ay may isyu sa in-laws. Ang importante ay nagkakaintindihan silang mag-asawa.

Naniniwala ang singer-actress na darating din ang time na magkakaayos din ang AshMatt at pamilya Geronimo. Mapapalambot din si Mommy Divine lalo’t alam naman ng lahat na love niya si Sarah. Hindi raw niya matitiis ang anak.

Ipagdasal na lang daw nina Matteo at Sarah na malagpasan nila ang pagsubok na ito bilang mag-asawa.

Tsuk!

Kate ‘di papatulan si Migo

Inamin ni Migo Adecer na bagamat pinapares sila ng aktres na si Kate Valdez ay wala umano siyang interes dito.

“Me and Kate, Nooo!,” tapat na sagot ng aktor na gaganap sa unang teleserye ng National Commission for Culture and the Arts entitled “Project Destination” na magsisimula sa March 14. Mapapanood daw ito tuwing Sabado.

Mas gusto kasi ng aktor na mas matanda sa kanya ang magiging girlfriend.

“I’m into older women. My limit is 26, 25, ‘cause im 20. So I like girls who are older than me. And the second thing is, I never date anybody in the industry,” pag-amin niya.

Magulo umano ang magkaroon ng showbiz girlfriend. Iginiit din niya na selfish siya pagdating sa pag-ibig at ayaw niyang may ibang kapares ang partner niya.

Ganoon din naman si Kate , mas gusto umano niyang i-date ang mga
lalaking matanda sa kanya ng dalawa hanggang limang taon.

Katwiran ng aktres, “Kasi feeling ko mas matured mag-isip tapos mas
madadala rin ako. Ayoko kasi na ako ‘yung mag-aalaga sa kanya. Gusto ko ako ‘yung
bine-baby.”

Inamin din ni Kate na minsan na rin siyang nakipag-date sa mga kapwa niya

artista. Hindi lamang umano natuloy dahil na-realize niya na mas magandang magkaibigan na lang sila.