“Poy, ikaw ba iyan?” Isa rin si Bea Alonzo na gustong makumpirma kung talagang magbabalik-showbiz na ang nag-iisang si John Lloyd Cruz.

Alam naman nating in sabbatical si Cruz sa pagiging actor at artista. Mas pinili niyang ranasin muli ang maging simpleng indibidwal kasama ang kanyang beloved na si Ellen Adarna at pa­nganay na anak na lalaki.

Bumulaga kasi sa social media ang isang larawan na sa biglaang tingin ay JLC na JLC naman talaga ang hombreng pa-mysterious. Marami na ang nag-one-plus-one equals two na may one more chance na si Lloydie nga ang bago o isa sa magiging endorser ng isang shawarma brand.

Hindi na nakapagtataka na ang Basha ni Poy, si Alonzo, ay nagtanong kung siya nga ba talaga ay magbabalik, kahit pa nga sa patalastas muna. Most of Bea’s biggest box office hits were with Lloydie.

Speaking of box-office hits, sa mga nagsasabing tapos na ang maliliga­yang araw ng pelikulang Pilipino, tiyak kinakamot na naman ang kanilang mga yagbols dahil nga sa pitong araw ng pagpapalabas ng “Eerie,” ang Alonzo at Charo Santos led movie, naka-P75 million plus na ang kinita. May chance na maka-P100 million plus pa ito lalo na nga’t maganda ang word of mouth sa pelikula kahit pa nga hindi nagustuhan ni film critic Oggs Cruz ang horror film ni Mikhail Red.

Marami talaga ang nagmamahal kay John Lloyd Cruz. Balita ko, ‘yung mga painting na likha niya, sold out agad sa isang sosi visual arts gallery. Kaya kung siya nga ang bagong bida sa nasabing produktoBe, kung ang mga visual arts creation niya nga bumebenta at pinagkaguluhan, ang posibilidad na selling like hot pandesal ang nasabing produkto ay hindi imposible.
***

Dyowa ni Derek alarma kay Andrea

Ang babaeng best in susong dalaga, si Andrea Torres, ang magiging kapareha ni Derek Ramsay, ang newly minted Kapuso, sa dramang ang pamagat ay “The Better Woman.”

Pak na pak at raised to super istariray levels ang karera ni Andrea kasi nga naman, pasensya na muli Ms. Anna Dizon, pero Derek Ramsay is Derek Ramsay.

May Carla Abellana, may Lovi Poe, may Jennylyn Mercado sa Kamuning network pero ang babaeng pinagpala sa lahat, si Torres, huh!

Dati, sa mga dramang pinagsamahan nina Andrea at Dingdong Dantes, literal na talagang you can feel the heat lalo na ‘pag may eksenang lambi­ngan, lampungan at loving-loving. Sobrang palpable ang sexual chemistry nina Jose Sixto at Torres, bilang manonood ay dalang-dala ka at darang na darang sa pagsasanib-puwersa nina Dantes at Andrea.

Ngayon na isang lala­king makisig, kayumanggi, ma­ganda ang tindig at talaga namang ang ultimate heartthrob na title eh talagang kinarir niya, anong init naman kaya ang ibibigay nina Derek at Andrea sa mga Kapuso lalo na nga’t ang chika, sexy drama raw ang kanilang pagsasamahan?

Hindi kaya malunod sa ganda at sa suso ni Andrea ang papable na si Ramsay? Hindi rin kaya nerbiyusin ang girlfriend ni Derek dahil nga hindi lang marikit, maalindog at sadyang kalibog-libog itong si Torres?

Mabuhay at magalit kaya ang mga ugat ni Ramsay ‘pag naghahalikan na sila ni Andrea at ang kanilang mga katawang lupa ay magkadikit na magkadikit?

Naku, Andrea, may chance ka na yatang iproklamang pinakamagandang babae sa Kamuning lalong-lalo na kung ang pambihirang palo-palo ni Ramsay ay ‘di sinasadyang tumigas at tumayo dahil sa iyong angking kagandahan at husay sa pag-arte, huh!
***

Pelikula nina Kiray, Polo bumulaga

Biglang bumulaga na lang ang pelikula nina Kiray Celis at Polo Ravales, ang “Portrait of My Love.”

Kung sino man ang producer nito, iba rin ang stra­tegy, huh! Walang presscon.

Walang bloggers media con.

Basta ayan, buo na ang pelikula, isinalang sa mga sinehan after ng premiere night na nag-imbita ng ilang press.

Wala naman akong duda na mahuhusay na artista sina Kiray at Polo pero kataka-taka at nakaka-tuliro pa rin na ay, may ganito palang pelikula?

Sana, marami ang maging mausisa sa pelikulang bagong-bago ang arrive ng title, huh!

Kung ang “Shazam” ang talaga ngang kasabay nila pati na rin ang “Pet Sematary,” alam na alam na natin ang tadhana nila.