
Sa ‘di ko maipaliwanag na dahilan, sina Angel Locsin at Richard Gutierrez, napanaginipan ko at in the act of MOMOL (make-out, make out lang) sila. Hindi ko naman sila ka-close. Mas lalong hindi ko naman sila iniisip, kaya ang diva that you love, gustong takang-taka at gustong matuliro.
Ano na nga ba ang latest sa bida ng The General’s Daughter? Isyu nga ba talaga ang kanyang pagiging curvy at voluptuous? Masaya naman siya sa kanyang relasyon with Neil Arce at ang mga sitsit na on the rocks ang kanilang pagmamahalan, ito ay pinabulaanan ni Neil.
Si Richard naman, marami ang excited sa pagiging kasali niya sa Fantastica, the Princesses, the Prince, the Perya. Pahulaan pa kung siya ang prinsipe, si Dingdong Dantes o ang panganay niyang si Zion Gutierrez.
Walang dudang bonggang career move para kay Chard na kasama siya sa cast ng pangmalakasang MMFF movie.
Speaking of movie, ano na nga ba ang nangyari sa pelikulang pagsasamahan nina Angel, Richard at Angelica Panganiban? Gone with the wind na and gone in 60 seconds? Ang ipinalit na ba rito ay ang pelikulang pagtatambalan nina Gutierrez at Bea Alonzo? Ang daming tanong, my dear Abante TONITE readers, a penny for your thoughts, please.
***
Walang kawawaan ang ‘kuda’ kay Coco
Paglabas ng pitak na ito, maaaring iba na ang drama, ang hangin, mahalimuyak na at may hatid na amihan.
Ang madilim na paligid, maliwanag na. Ang lahat na poot na poot, suklam na suklam at pakiwari ay si Coco Martin at ang pangmalakasan nitong palabas sa telebisyon na Ang FPJ’s Ang Probinsyano ang siyang pinapansin at pinagmumukhang may kasalanan, wakas na ang mga walang kaawa-awang hanash at kuda.
Ang pinahayag ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na wala silang balak ipahinto o papalitan ang storyline nito ay tunay namang magandang balita.
Mabuti at napagtanto nilang sila ang lumalabas na mas kahiya-hiya dahil nga ang number one primetime drama program ay kathang isip, may artistic at creative license rin ang programa at ang pinagmamarkulyong ‘negative portrayal’ ng mga pulis, juice colored, alam naman nating hindi na bago ito.
Kopong-kopong at Mahoma era pa, sa mga lumang pelikula at piling-piling palabas sa telebisyon, laging tapos na ang laban saka sila dumarating. Laging mas maraming tumutumba sa kanila sa mga bakbakan at minsan pa nga, ginagawang katawa-tawa o kataka-taka ang kahinaan nilang taglay.
Ang sabi ni Año sa isang pahayag, “We are always open to dialogue and we look forward to meeting with them soon…. We are looking forward to a constructive meeting where both parties can relay their honest views to each other.”
Si DILG Assistant Secretary Jonathan Malaya, may mga pinahayag na nakakapagtaka, “We are disturbed, to say the least, that Ang Probinsyano has been using the name of the PNP, its logo, and other identifying characteristics while tarnishing the image of the police organization by portraying a scalawag Chief PNP and corrupt police officers who do illegal activities.”
Sa mabunying DILG Assistant Secretary, in denial pa po ba kayo? Bulag, pipi at bingi po ba kayo sa katotohanan para manalig na hindi pa ‘tarnished’ ang imahe ng mga pulis?
Puwede po bang maglambing? Pakibasa ang mga pahayagan o manood ng mga news programs sa telebisyon pag umeere na para mapagtanto niyo kung bakit laging ang mga alagad ng batas, kadalasan ay sangkot sa hindi kainamang balita.
Anyway, narito ang joint statement ng DILG at ABS-CBN sa naturang isyu.
“ABS-CBN and the Department of Interior and Local Government met yesterday (Nov. 21) in Camp Crame and resolved the issues related to the program “FPJ’s Ang Probinsyano.” It was a fruitful dialogue wherein both parties were thankful for the chance to express their views directly to each other.
“The PNP stated the importance of the support and respect of the people to its organization, while recognizing ABS-CBN’s freedom to create and convey the story of the program.
“For its part, ABS-CBN assured them that the program will continue to portray Cardo Dalisay as a police officer with integrity, who is dedicated to serve and protect the people.
“The DILG, including its attached agency the Philippine National Police, will continue to support “FPJ’s Ang Probinsyano” as it continues to inspire Filipinos with the valuable lesson that in the end, good will always triumph over evil.”