Bea-John Lloyd tuloy ang harutan

NI: RONA RONDA

Hindi pa nagtatapos ang pakilig nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo sa kanilang mga fan. Sa panibagong conversation nila sa Instagram ay mukhang lumelevel-up na ang dalawa.

Nagkomento kasi ang aktor sa bagong larawan ni Bea na ipinost niya sa IG.

“Marami rin ako naaalala,” komento ni JLC.

“Mukha nga. Magandang alaala naman?,” tanong naman ni Bea.

Makahulugan ang naging tugon ni John Lloyd sa tanong ng aktres. Aniya, “Karamihan oo, napangiti ako. pero meron ding hindi, napaisip ako.”

Iniba naman ni Bea ang topic dahil sa bagong post na nagkomento si Lloydie.

“Napadpad ka sa bagong post ko ah. Pagod ka na kakahalungkot ng past photos?,” pag-iiba ni bea.

Umamin naman ang aktor at sinabing pagod na siya. Naging personal inbox tuloy ang comment box dahil naging mahaba pa ang usapan nila.

Nagtanong naman si Bea kung saan ba napapagod si John Lloyd. Tugon nito, “sa maraming bagay.”

“luuuuhhh… drama,” sey naman ni Bea.

“sana nga drama lang to,” ani Lloydie.

Mukhang naramdaman naman ni Bea na may pinagdadaanan ang aktor dahil sa bigat ng binibitawan nitong salita. Kaya nagtanong siya kung okay lamang ‘to.

Sa huling komento ni Lloydie ay nagtanong siya kay Bea kung pwede ba siyang tawagan. Mukhang nagkausap na nga ang dalawa dahil hindi na nag-reply pa si Bea.