
Isang malaking karangalan para kay Bea Alonzo na makasama sa isang pelikula si Charo Santos-Concio.
“Dream come true po para sa akin na makasama sa isang frame si Ma’m Charo,” sambit ni Bea sa mediacon ng “Eerie” na ginanap last Saturday night.
“Honestly, nun’g umpisa, kinakabahan ako, hindi ko alam kung paano, ano ba dapat ang expectation ko, but nu’ng workshops and meetings, parang ibang hat ‘yung isinuot ni Ma’m Charo. He wasn’t the CEO, the President of ABS-CBN. She was an actress.
“And she was open to collaborating with you. So, ibang pakiramdam ‘yung parang nag-share kayo ng art, kayong dalawa. Hindi ko makakalimutan itong experience na ‘to,” ani Bea.
Ayon pa sa aktres, ito rin daw ang first time niya na gumawa ng horror movie, gayundin ang makatrabaho ang premyadong direktor na si Mikhail Red, at first time din na mag-join sa international film festival.
Ang “Eerie” ay nauna nang ipalabas sa Singapore International Film Festival noong Disyembre, 2018. Ito rin ang first horror film ni Red na naging kilala sa pagdirihe ng Birdshot matapos nitong humakot ng iba’t ibang parangal tatlong taon na ang nakalilipas.
“So, isang milestone ‘to para sa akin at hindi ko makakalimutan na kasama ko si Ma’m Charo sa pelikulang ito,” dagdag pa ni Bea.
As for Charo, aniya ay 13 yrs. old pa lang si Bea nang makilala niya ito.
“At talagang nasundan ko ang kanyang career bilang isang artista at isa siya sa mga hinahangaan ko sa mga kabataang artista.
“So, you know, I felt so excited, I really looked forward to working with her, she’s a very intelligent, intuitive and generous actress and she works hard, you know. I mean, she comes to the set prepared,” sey ni Ma’m Charo.
Aniya pa, “she’s a true professional. Her attitude towards her craft is admirable.”
Nahingan ng reaksyon si Bea sa mga papuring ito sa kanyang former President ng ABS-CBN Broadcasting Corp, at sey ng aktres, “kinikilig ako” sabay-tawa.
“Gusto kong kumuha ng copy ng lahat ng interviews namin. Sabi ko nga kanina, may photo shoot kami, ipapa-frame ko nang malaki ‘yung picture namin together. ‘Di ba, sino ang makakapagsabi na nakatrabaho mo ‘yung Asia’s Best Actress?” sey pa ni Bea.
Ayon pa sa aktres, talagang hindi raw siya gumagawa ng horror film dahil matatakutin siya at takot sa mga madidilim na lugar.
Pero nang mabasa niya ang script ng “Eerie” at malaman na makakasama niya si Ma’m Charo, aniya, “parang I just couldn’t say no and siguro, parang naisip ko, baka ito na ang tamang pagkakataon na gumawa ako ng kakaibang pelikula.
At marahil nga ay may kinalaman dito ang post ni Bea sa kanyang Instagram about change.
“Kasi, sabi ko, when I turned 30, ngayon na ako mas magiging open to new genres, hindi na ako matatakot gumawa ng mga pelikula na hindi ko pa nagawa noon.
“So, parang ang feeling ko, I owe it to myself to explore also,” she said.
Hatid ng ABS-CBN Films – Star Cinema and Cre8 Productions, “Eerie” opens on March 27 in Philippine cinemas at kasabay din itong ipalalabas sa iba’t ibang bansa sa Southeast Asia, which is a first for a Filipino film.