Bea, kumukurot sa puso ang emote

KINILIG, tumawa, pinaiyak, binigyang-pag-asa at pananalig sa tunay na pagmamahal ang mga nangyari sa diva that you love dahil sa pelikulang How To Be Yours.

Kinilig kasi mahusay sina Bea Alonzo at Gerald Anderson. Pusong-puso. Damang-dama, wagas na wagas ang kanilang emosyon at katotohanan bilang Anj at Nino.

Ang katotohanang naging magkasintahan ang dalawa, mukhang nakatulong. Natural sila sa light, tender at sexy moments.

Ilan sa mga best moments nila ang dance sequence nila sa bar. Ang coffee bringing ni Nino with a promise of forever.

Ang supermarket scenes na nagpakita on how the relasyon progressed.
Ang mga dramatic scenes, hindi over the top. Hindi pang-MMK. Lalong hindi panteleserye ng Dos.

Walang bulging eyes na ready to pop any second. Walang galit na galit na ugat sa leeg.
Walang flared nostrils at mga cinematic na uhog.

Walang mga duruan, umaatikabong ariahan at lalong walang eksaheradang musical score.
You feel their pain and you cannot help it, plok kete plok ang inyong tears.

‘Yung break up scene nila, wasak na wasak. Refreshing ang mga lalaking-lalaking pag-iyak ni Anderson.

Heart-tugging ‘yung emotada encarnacion ni Alonzo na hindi nakakairita. We get the fact na the characters they play are in an invisible war at when it manifested, durog ang puso nilang dalawa.

***

Gerald Anderson
Gerald Anderson

Tumawa sa pelikula, kasi, everything in it, parang well thought of, tapos, well executed.
Lahat, sinsero. Para mo lang pinapanood ang buhay mo or ang mga kaganapan sa buhay ng friends mo and people dear to you, nagkataon lang captured by camera.

‘Yung attraction, flirtation, hyperventillation, kasi, andiyan ang nagpapakilig at nagpapatibok sa puso mo.

Iyung mga realidad and how truth sucks and hurts big time.

As you watch the movie, you root for Anj and Nino, and relate ka sa mga kaibigan nilang colorful yet lovable characters.

Tumawa ka, kasi, relate ka sa kalokohan. Tumawa ka rin, kasi, it only bites and hurts when you laugh, especially sa scenes na sobrang totoong-totoo.

Gusto mong sabihin na been there, done that, pero juice ko Lord, ba’t ‘di ako singganda ni Bea nu’ng nag-break up?

***

Pinaiyak, maliban sa mga binanggit ko na, don’t let me reveal the many moments na naramdaman ko na lang ang luha sa aking well moisturized fezlak.

I think the tears come from the fact that you see a love story that is so truthful, so committed in presenting raw emotions and it becomes more palpable.

Kasi, both the lead stars are so committed in bringing the truth to us. Ang tanong, can we handle the truth?

So likeable pa ang pagkakasulat sa characters nina Anj at Nino. Parang you want to become friends with them.

At pag dumating na ‘yung inevitable, hindi lang crying shoulder ang ibibigay mo sa kanila. Full support din.

Kasi, the characters they played seem like the most genuine and most romantic love pair na dapat talaga eh magka-happily ever after.

***

Binigyang pag-asa at pa­nanalig tungkol sa pagmamahal, How To Be Yours made me realize na walang madali sa relasyon.

Lahat ng relasyon, pangkaibigan man o kasintahan, has the potential to hurt you.

Na totoong the honeymoon period is glorious and often times orgasmic pero once the reality of things and situations come in, how do you deal with it as individual persons and as a couple, is crucial.

Na lahat ng relasyon, dapat give and take, may sacrifices pero dapat hindi nagbibilangan at lalong hindi nagsusumbatan.

Na pag mahal mo ang isang tao, yes you can go for broke pero dapat may tinitira ka pa ring pagmamahal sa sarili mo, isama mo na rin ang dignidad at respeto.

There are romances that are fleeting, and yes, there are relationships na tulad ng kina Anj at Nino na worth fighting for, na you just don’t give up on it.

Kasi, alam mong with this person, you are looking at forever.

Totoong masarap at masakit ang magmahal, pero at the end of the day, it is always worth it.

How the movie ended? In glorious slow motion at that, ang masasabi ko lang this time, love and all its trappings, warts, pimples and all, wins in a major, major way.

Wapak na wapak ang tambalang Bea Alonzo at Gerald Anderson.