MASAYA si Marian Rivera sa mga kasama sa upcoming serye na Super Ma’am.
Bilang Minerva, makakapareha niya ang commercial model na si Matthias Rhoads.
Refreshing daw katrabaho si Matthias dahil marami siyang naituturo rito at kitang-kita niya ang willingness nito na mas gumaling pa bilang isang aktor.
Isa pang makakatrabaho ni Marian ay si Kim Domingo na personal choice niya.
Noong nagmi-meeting pa lang sila ay si Kim ang naisip niya dahil bagay na bagay rito ang role na kontrabida siya.
***
Natutulala ang model-turned-actor na si Matthias kay Marian sa taping ng Super Ma’am.
Hanga si Matthias sa ganda at husay umarte ng Kapuso Primetime Queen.
Aniya, “She’s been doing this for a long time, and I can see that in the way she helps others.”
Malaki ang naitutulong sa kanya ni Marian pagdating sa acting tips at hindi na siya nahihiya dahil madali itong lapitan.

Agaw-eksena sa social media partikular sa Instagram ang Beauty & Elegance nina Bea Alonzo, Maja Salvador, Sarah Lahbati, Erich Gonzales at Solenn Heussaff.
Naglipana ang sensual pictures nila na kuha ni BJ Pascual para sa The Aivee Clinic (dermatology & plastic surgery).
More & more ang nagla-like sa kani-kanyang photos.
Kasama rin sa Aivee League sina Gretchen Barretto, Richard & Raymond Gutierrez at Zanjoe Marudo.
***
Magiliw si Alexander Lee sa social media at napaka-engaging niya sa followers.
Masipag siyang mag-post ng updates na inaabangan ng netizens. Refreshing na makitang malapit ang Korean actor sa fans.
Minsang makita siya at tawagin ng fans para magpa-picture, humingi rin si Alexander ng pabor sa mga ito at pina-promote ang My Korean Jagiya.
Kita sa video na ipinost sa account na @xander0729 na pinalibutan siya ng fans at kilig na kilig ang mga ito dahil sobrang lapit niya sa kanila.
Sana ay tularan si Alexander ng iba pang idols dahil kahanga-hanga ang pagiging down to earth niya.
***
Emotionally draining ang pag-arte, lalo na kung dual roles ang ginagampanan ng artista.
Patunay riyan si Kris Bernal dahil inamin nitong nahihirapan siyang pagsabayin ang karakter niya bilang Nimfa at Rosette sa Impostora.
Maraming beses na naiyak sa pagod at hirap si Kris, pero balewala na ito sa kanya dahil patuloy silang umaariba sa ratings.
Hindi bakas sa mga eksena ang paghihirap ni Kris dahil natural siyang panoorin sa Impostora.
***
Kumakalat na sa social media ang video ng Alyas Robin Hood actor na si Ruru Madrid kung saan ginagaya niya ang ilan sa mga batikang artista sa industriya.
Kahit ang mga kumukuha ng video ay naririnig ang tawa dahil sa sobrang benta ng panggagaya niya.
Ilan sa mga ginaya niya ay sina John Arcilla, Janno Gibbs, Gary V. at Leo Martinez.
Pinakanakakatawa sa lahat ay ang panggagaya niya kay Pancho Magno.
Gayang-gaya ni Ruru ang mannerisms ni Pancho pati ang boses nito kaya nakakaaliw siyang panoorin.