Bea na-stress kay Angelica

May common denominator sina Bea Alonzo at Angelica Panganiban dahil pareho silang nakaranas na ma-ghosting ng kanilang mga dyowa.

Maituturing din ni Bea na isa si Angge sa mga pinakatotoo niyang kaibigan sa showbiz.

Kaya naman sa okasyon ng birthday ng “Banana Sundae” star ay binati nito ang kaibigan sa kanyang social media account.

Ipinost pa nito ang lumang picture nila together habang pareho silang rumarampa sa New York na may caption na: “You are amazing, mami! Love you!”

Pero may pahabol itong request ito sa versatile actress na nagsasabing “P.S. I will always be your fan, pero please, wag mo naman masyadong galingan, nasstress nako eh!” (Archie Liao)