Hindi ko alam kung dapat ma-flatter si Bea Alonzo dahil sa bago niyang titulo na ito. Reyna ng Pagtitimpi o Reyna ng Pagpipigil talaga? Kalugod-lugod ba ito o nakakahibang na katotohanan?
Ang dahilan kung bakit iginawad sa mahusay na aktres ang kawindang na titulo ay dahil sa pahayag niyang: “Yung mga tao na tinatawagan ang ex nila kasi lockdown… di pa umaabot doon.”
Bakit may ganitong dramarama si Alonzo? Dahil ba may mga kaibigan siyang out of sheer boredom at feeling nila end of days na, gumawa ng paraan para maka-usap ang kanilang mga di na dapat balikan?
May mga lalaki ba, artista man o non-showbiz, na minsan ay minahal siya at minahal niya rin, eh biglang nangamusta, nangulit, nagpa-cute at biglang gustong kumonek sa kanya dahil miss na miss talaga ang magandang dalaga o bored na bored na rin at siya ang pinag-titripan para maibsan ang pagkabagot at pagkaburyong?
Mas bongga nga namang kulitin at magkipag-kamustahan kay Bea kesa pilitan nilamg matuwa sa mga nakaririmarim na paandar nina Mahal at Ms. Everything.
O, tulak ng bibig, kabig ng dibdib ang payanig na ito ni Bea? Sa totoo, gustong-gusto niya na rin talagang kamustahin ang itatago ko sa pangalang Gerald Anderson dahil mahirap magka-plastic na hindi niya talaga hinahanap-hanap ang pagkalinga at siyempre ang lalaking-lalaking amoy ni Papa Gege?
Sana, mas i-push na lang ang titulo ni Bea bilang this generation’s movie queen kesa sa panibagong label na ito .Ang dating, kasi ay sobrang pagtitimpi at pagpipigil ni Bea .Ang dami-dami na niyang what if’s at tanong sa buhay niya na dahil mas pinili niya ang tamang landas, nawala ang apoy at passion that drives her to do go outside the box and live, not just exist.
Eric Matti lumalaylay ang istorya
Marami ang nagtatanong sa inyong diva that you love kung ano ang hanash ni direk Erik Matti tungkol sa sweeping statements nito laban sa mga Korean drama.
Hindi ko alam na there is such a word na pala as belofied kaya hindi ko balak seryosohin ang kanyang pangmalakasang hanash.
Saka, hindi kasalanan ng K-drama kung saka-sakaling ma-eclipse ang mga pelikula at television show natin. Ang dapat sisihin, ang mga producer na ayaw mag-risk at kumawala sa mga template na ilang henerasyon na nilang inilalako sa publiko. Akala nila, hindi naggo-grow ang emotional intelligence ng mga audience kaya pulos paghihiganti, mga kabit, mayaman at mahirap na nagmamahalan, aping-aping mga bidang babae , mga kinikidnap na mga anak at mga kontrabidang akala mo patay na pero buhay pa pala ang siyang napapanood.
Kesa nagpuputak si Manong Matti, pakisabi sa kanya na ayusin na muna niya ang mga narrative ng mga pelikula niya. Leaps and bounds nga technically, panalo ang mga camera angling, malilinis ang mga effects kung meron, pero ang kuwento, kung hindi sanga-sanga, lumalaylay at walang lohika at kawawaan.
Dapat nga mas panoorin niya ang mga K-drama at iba pa para malaman niya kung paano maghabi at mag-build ng kuwento na buo, walang butas at makakatohanan.
Yun lang.