Mahirap man mahiwalay sa kanyang mga mahal sa buhay at sa kanyang normal life, batid ni Premier Volleyball League (PBL) star Isabel Beatriz ‘Bea’ De Leon na kailangang magsakripisyo upang makatulong sa laban para sa coronavirus disease 2019 pandemic.
Kasama ang kanyang mga aso na sina George and Philip sa kanyang workout, napagtanto ng Choco Mucho Fyling Titans player na dapat maging matatagtag at responsible sa panahon ng krisis.
“Everyday, I miss my family, my friends and my teammates more and more. I miss going to (Church of) Gesu, taking my time outside and most of all, I miss playing on court. But of course, we have to stay resilient and keep going for our good and the good of the next person,” litanya ng 23-year-old, 5-foot-30 middle hitter sa kanyang Instagram post.
Dinagdag pa ng Marikina native at dating national player, “Because the little things we do now will amount to something greater tomorrow. Ironically, though everyone seems so far apart, I’ve never seen this many people come so close together to try and do their part.”
At kahit pa umabot na sa 6,599 ang kaso ng COVID-19 sa bansa noong Martes, ayon sa Department of Health (DoH), naniniwala si De Leon na malalagpasan ng lahat ang global pandemic kung magkakaisa lang.
“Kaya naniniwala ako, we’ll get through this because we’re getting #ThroughThisTogether ” saad ng beteranang balebolista. (Janiel Abby Toralba)