Sunod-sunod ang pagpapasilip ng kanyang alindog ng Kapamilya actress na si Bea Alonzo.
Aminado kasi ang aktres na dati siyang obese noon at naging biktima rin siya ng body shaming.
Sey pa niya, gusto raw niyang maging inspirasyon sa mga taong dumanas ng ganoong ordeal sa kanilang buhay kaya naman kinarir niya ang fitspiration.
Ngayon, agaw-pansin na naman siya dahil sa kanyang OOTD beach look na trending sa social media.
Kahit umuulan na, nagawa pa rin niyang humabol sa huling hirit ng tag-araw.
Sa nakuhanang picture niya, suot niya ang fabulous one-piece swimsuit habang nasa mala-paraisong island beach resort sa El Nido kung saan may caption siyang, “Salty vibes. Still not done posting pictures from our recent beach trip. El nido, I will be back very soon … Excited ako!” (Archie Liao)