Bea niyanig sa Mindoro

Thankful ang mga fan ni Bea Binene na ligtas na nakabalik ng Manila ang kanilang idolo matapos ang 5.5 magnitude earthquake sa Occidental Mindoro.

Kasalukuyang nasa San Jose airport si Bea at naghihintay ng flight pabalik ng Maynila nang yanigin ang lugar lindol.

Habang lumilindol ay nagawang kumuha ng footage ni Bea at ipinost sa kanyang Instagram account.

Kwento ni Bea, “this happened this morning when we were waiting for our flight back to Manila from Occidental Mindoro. The aircraft landed at San Jose airport at 8:48am, and by 9:05 we all felt the 5.5 magnitude earthquake.”

Nagsipuntahan daw agad sila sa parking ng airport para sa kanilang kaligtasan.

“Yung unang naramdaman namin was parang malakas na nagti-takeoff na airplane, or parang malakas na nagbulldozer or jackhammer. Yung pangalawa naman, parang nasa bangka tapos malakas ang alon.

“Lumabas kaming lahat papuntang parking ng airport (sa parking kami nagpunta dahil kahit na nasa tapat lang namin ang runway, which is an open field, it’s still not safe to go there dahil may mga fuel trucks, may possible na magland na eroplano at may aircraft na nakapark na hindi imposibleng matumba pag lumindol ulit),” patuloy niya.

Aminado ang young actress na natakot siya dahil malapit sila sa dagat nang time na ‘yun.

Nakakatakot kasi malapit kami sa dagat and the epicenter of the earthquake was just one or two towns away from our location (+/- 6kms away, the locals said). May nakausap ako na ngayon lang daw sya nakaramdam ng ganun kalakas na lindol sa tagal na nyang naninirahan doon.

“Around 30 mins after, when the inspection of CAAP, PNP and fire dept were done, pinadirecho na agad nila kami ng aircraft to board. Sa lahat po ng nasa 5J514 at SJI airport kanina, I hope you are all safe. Gusto ko po magpasalamat sa mga staff ng San Jose airport sa pag assist sa lahat ng pasahero. We are now safely back in Manila,” saad pa ni Bea.

Sa comments section ay katakot-takot ang komento ng mga fans at nagpapasalamat sa Diyos na ligtas siya.
***

BiGuel inaabangan ang muling pagkikita

Sobrang thankful ang BiGuel loveteam na sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix sa ganda sa mainit na pagtanggap ng mga manonood sa kanilang primetime series na Sahaya.

“We are very happy from the start naman, of course, one of our goals was to rate high, but it wasn’t our main goal,” pahayag ni Bianca sa panayam ng GMA network sa magka-loveteam.

“Lalo kaming ginaganahan na magbigay ng kaabang-abang na story and mga eksena para sa viewers,” ani naman ni Miguel.

Ang isang inaaba-ngan nga ngayon ng BiGuel fans ay ang muling pagkikita ng karakter ng dalawang bida na sina Sahaya at Ahmad.

“Sobrang dami pang mangyayari and again, ‘yung paghihirap namin, sobrang sarap sa puso na nagpe-pay off lahat,” sey pa ni Bianca.