Bea sinita si John Lloyd

NI: ARCHIE LIAO

Muling nagparamdam si John Lloyd Cruz sa social media nang mag-react siya sa mga post ng isa sa kanyang paboritong leading lady na si Bea Alonzo.

Sa lumang post ni Bea tungkol sa kanyang self-discovery unang nagparamdam ang aktor.

Nagulat din ang aktres nang mag-comment si Lloydie sa kanyang 2019 post kung saan sinita niya ito sa pagbro-browse sa kanyang IG.

Nagpalusot naman si JL na may username na dumpsitegallery na aksidenteng napindot lang daw niya ang kanyang account.

Hirit naman ni Bea,kung may nami-miss daw ba ang aktor dahil halata ang pagpapansin nito.

Nagtanong naman si JL kung may masama sa kanyang pagpapapansin.

Pinagdiskitahan din ng actor ang isa niyang candid photo.

Nag-react din ito sa post ni Bea tungkol sa full moon.

May paglalandi nitong sinabing mapalad ang full moon dahil nakukuha nito ang atensyon ng aktres.

Sagot naman ni Bea, lagi raw at mas masarap kung may kasama sa panonood ng full moon.

Dahil dito,marami ang kinilig sa kanilang harutan . Nag-wish ang mga netizen na muli nilang buhayin sina Popoy at Basha,mga karakter na ginampanan nila sa kanilang iconic movies na One More Chance at A Second Chance na malaki ang cult following.

Obserbasyon naman ng ilan,pang-promo lang daw ang lambingan ng dalawa at posibleng paghahanda ito sa movie nilang gagawin.