Tulad ng kanyang ex na si Gerald Anderson, marami ring natutunan ang Kapamilya actress na si Bea Alonzo sa pakikipagrelasyon lalo na sa last ‘ghosting experience’ niya sa estranged boyfriend na si Ge.

Nag-share siya ng realization at leksyon na natutunan sa nakaraang taon.

Sa kanyang socmed account, ipinaalala ang kahalagahan ng self-love o ang mahalin muna ang sarili sa anumang relasyon.

“As I began to love myself, my relationship with everyone changed. Them not loving you does not mean you are unlovable. It does not mean you can never be loved or you are unloved. Repeat this to yourself when you need it most,” sey niya.

Para kay Bea, maraming blessings na dumating sa kanyang buhay lalo na sa kanyang karera at mas importanteng pagtuunan muna ito ng panahon kesa sa love life na para sa kanya ay makapaghihintay sa tamang panahon. (Archie Liao)