Beal pina-drug test sa kambal na 50 pts

Beal pina-drug test sa kambal na 50 pts

Matapos ang back-to-back 50-point perfomance, ibinahagi ni Bradley Beal ng Washington Wizards na nakatanggap siya ng drug test mula sa NBA.

Unang lumagare si Beal ng 53 point nitong Lunes kontra Chicago Bulls ngunit bigong makuha ang panalo, 117-126.

Humataw muli si Beal ng 55 point sa sunod nilang laban nitong Martes kontra Milwaukee Bucks ngunit muling nalugmok via overtime, 134-137.

Nitong Huwebes (Manila time), sinampa ni Beal ang Wizards­ sa win column matapos maungusan ang Brooklyn Nets 110-106 kung saan naka-30 puntos siya.

“I guess the league don’t want me to score 50,” himutok ni Beal. “I had a drug test today.”

Si Beal ang unang player sa NBA na may back-to-back 50-plus point game sa magkasunod na laban matapos ni Kobe Bryant noong 2007. (JAT)