The Beast balik-Aces vs. Fuel Masters

Balik-hard court na si Calvin Abueva matapos hindi magpakita sa Alaska ng isang linggo dahil sa personal na problema sa pamilya.

Humingi ng dispensa si ‘The Beast’ Abueva sa pangasiwaan ng Alaska sa ginawa niyang pagliban bago mag-umpisa ang kanilang laro noong Jan.27 kontra Blackwater sa PBA Philippine Cup elims.

Ayon sa isang source, nagpaalam si Calvin kay coach Alex Compton na hindi siya makakapaglaro laban sa Elite.

“Alaska has always been family. I would never get in the way of somebody who’s taking care of something that’s important to their family,” saad ni Compton sa post-game interview.

“With their family, I hope you guys would appreciate the private and internal nature of that,” dagdag ni Compton.

Pero hinirit ng impormante na lalaro na mamaya si Calvin, kahit na hindi ito sumalang noong Sabado kontra Blackwater. Hindi pa rin nagpakita ng kahinaan ang Aces.

Binalikat nina Vic Manuel at Chris Banchero ang Alaska sa tig-16 points at inayudahan ni Kevin Racal ng 14 pts. habang naka-10 si Jeron Teng para magtagumpay.

Kakagaling lang sa panalo ng Phoenix kontro Ginebra 87-82 noong Jan. sa pag-akay ni Willie Wilson sa kanyang dating koponan na mayroon pang angas sa kaniyang katawan.