Ang grupong ‘The Beatles’ ay English rock band na nagmula sa Liverpool, England.
***
Tinawag na ‘The Fab Four’ ng Beatlemania ang mga pinakasikat na miyembro ng grupo na sina Paul McCartney (melodic bass), Ringo Starr (drums), George Harrison (lead guitar) at John Lennon (rhythm guitar).
***
Beatlemania ang tawag sa mga avid fans na nagdala sa ‘di mapapantayang popularidad ng The Beatles. Hanggang ngayon, sila pa rin ang kinikilalang Best-Selling Music Artist sa US na may record na 178 million.
***
Ang Liverpool ay kinikilala bilang ‘World Capital City of Pop’ ng Guinness World Record dulot ng popularidad ng The Beatles sa industriya ng musika. Isa na rin itong tourist destination sa England.
***
Ilan sa mga naitala sa Guinness World Record para sa grupo ay ang Most Recorded Song- ‘Yesterday’, Most No. 1 Singles on the US Chart- ‘Hey Jude’ and Biggest All Time Sale for a Band.
***
Quarrymen ang unang pangalan ng bandang binuo ni John Lennon sa edad na labing-anim noong 1956. Pinalitan ito ng Johnny and the Moondogs (1958), naging Silver Beatles hanggang maging The Beatles.
***
‘Hello Little Girl’ ang unang kantang isinulat ni John Lennon. ‘I Lost My Little Girl’ naman ang kay Paul McCartney.
***
Ang ‘Strawberry Fields Forever’ ay hango sa pangalan ng isang hardin na paboritong pasyalan ni John Lennon noong kabataan nya, ang Strawberry Fields.