Beautiful actress, wagas ang pasabog sa sayaw

suka

ANG beautiful actress na dating beauty queen, hindi basta-basta magpapakabog sa pagsasayaw.

Keribels niyang makipag-showdown kina Maja, Kim, Shaina, Jessy o kahit pa kay Rochelle Pangilinan.

Giling kung giling! Emote kung emote! Kadyot kung kadyot!

Kahit ihagis-hagis o itapon siya sa ere, keri niya.

Lifting ba kamo? Iyan ang forte niya. May sound effect pa!

Ito na nga… da-dance siya.

Siempre, super-rehearse siya.

Chika niya sa choreographer, dapat perfect ang steps, lalo na ang feel na feel niyang buhat-buhat, ikot-ikot, lifting na wagas!

Perfect!

Dumating ang moment na pinakahihintay… da-danz na c ate.

GANDARA ang outfit! Havey ng glitters!

CALL-IN na … “You’re next na po, ma’am!”

Anong nangyari kay ate? Napapangiwi siya.

Hawak niya ang kanyang tummy… humilab daw bigla ang kanyang tiyan.

Kaya lang… in-intro na ang dance nya.

The show must go on!

Wow!

Sigawan ang mga utaw!

Ang galing-galing ni ate!

Arriba-arriba!

Eto na… ang kanyang payanig! Paandar! Pasabog!

Ang pamatay niyang lifting!

Choreo 1-2-3 to the left, to the right… ikot! Buhat!

Iniangat si ate ng apat na dancer sabay TOOOOOOT!

Umutot si ate!

Ang apat na nagbuhat, sapul sa utot na pagkabantut-bantot!

Mahilu-hilo ang apat na mananayaw at muntik nang mabitawan si danz diva.

Tiniis nila ang baho for the sake of Art.

The show must go on!

PAK!

Pagkatapos ng dance number, Run For Your Life patungong CR ang apat na dancer.
Sukang-suka!