Beauty dedma na second choice kay Megan

Walang kaso kay Beauty Gonzales kung second choice lang siya sa bagong pelikulang gagawin niya. Ibang aktres kasi dapat ang magbibida sa latest project ng BG Productions na may working title na Hipnotismo, ngunit dahil may kissing scene kaya tumanggi raw ang first choice ng movie company ni Ms. Baby Go.

Bukod kay Beauty, ang Hipnotismo ay tatampukan nina Enzo Pineda kasama sina Polo Ravales, Miss Universe 3rd Runner up Ariella Arida at Mr. World Phi­lippines JB Saliva. May espesyal na papel din ang ilan sa BG talents na sina Kate Brios, Wayne Calderon, at Winter Calderon. Si Direk Joey Romero ang mamamahala sa pelikulang ito.

Ayon kay Beauty, “Well, sa akin naman I kiss on TV, so I can kiss in real… I mean, okay lang naman ‘yun. Pero kung tungkol sa mga daring, I’m a Bench model too and I’m very proud of my body and of what I have right now. So if I have it, if I can flaunt it, why not?

“So, okay lang as long as takip naman yung boobs ko ‘tsaka iyong puwet ko. So, okay lang sa akin iyon and it’s just work.

“Wala namang problema iyon sa asawa ko ‘tsaka alam naman niya na pinakasalan niya ako sa kung anomang mayroon akong trabaho ngayon,” saad ng aktres.

Wala rin daw siyang keber kung se­cond choice man siya sa horror-movie na ito.

“Regarding doon sa isang artista (Megan Young na tinanggihan ang role na ito), hindi ko po alam ‘yun, desis­yon naman niya iyon, e. Thankful ako na sa akin napunta ang role na ito,” saad pa ni Beauty.