Beauty nangapitbahay lang sa Kapuso

Nilinaw ni Beauty Gonzalez na hindi raw niya binalak na lumipat ng network noong mag-guest siya sa isang show sa GMA-7. Nangapitbahay lang daw siya saglit pero mananatili raw siyang isang Kapamilya lalo na isa siya sa mga bida ng bagong ABS-CBN afternoon teleseryeng Kadenang Ginto.

“I was just being a good neighbor, that’s all, thank you. And I will always be a Kapamil­ya,” paglilinaw ni Beauty.

Noong Agosto ng taong ito ay pumirma ng 2 years contract si Beauty sa ABS-CBN. “Binigyan na ako ng contract ng ABS and I’m so happy. It’s my first contract since ten years ago. Pero sa totoo lang hindi naman ako na-shock or whatever, kasi kung binigay nila yung contract dati siguro hindi ko naala­gaang mabuti. Kasi siyempre bagets lang ako. E noon hindi ko naman siniseryoso ang mundo na ito. And now na tumanda na ako, mas naa-appreciate ko yung work ko. So, thank you and it came at the right time.”

Produkto si Beauty ng Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus at itinanghal na 4th Big Placer noong 2008.

Pagkatapos bumida sa Pusong Ligaw, muling bibida si Beauty sa Kadenang Ginto bilang si Romina. Kasama niya sa cast sina Albert Martinez, Dimples Romana, Adrian Alandy, Andrea Brillantes, Francine Diaz, Eula Valdez, Ronnie Laza­ro, Luke Conde, Nikko Natividad.

Nagi-enjoy nga raw si Beauty sa pakikipagtrabaho sa buong cast na first time niya raw makatrabaho lahat. “I’m so happy lahat sila magaga­ling. Sobrang professional nila lalo na si Sir Albert, si Adrian, and then si Dimples. Pati ang staff at ang Dreamscape very supportive sa akin,” ani Beauty.

Sa ilalim ng produksyon ng Dreamscape Entertainment Television at sa direksyon ni Jerry Lopez Sineneng, ang Kadenang Ginto ay mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes nang hapon pagkatapos ng It’s Showtime sa Kapamilya Gold simula ngayong Lunes.