Clueless si Beauty Gonzalez sa balitang nagtangkang mag-suicide si Diego Loyzaga na nakasama niya sa defunct Kapamilya teleseryeng Pusong Ligaw.
Katunayan, nagulat siya sa balita at nakiusap na huwag nang pag-usapan ang nasabing isyu bilang respeto na rin daw sa pananahimik at privacy ng young actor.
Hirit pa niya, mas gusto raw niyang pag-usapan ang tungkol sa pagtatambal nila ng isa pa niyang anak-anakan sa nasabing teleserye na si Enzo Pineda sa pelikulang Ang Sumpa ni Loreta na ididirehe ni Direk Joey Romero at iproprodyus ng BG Films ni Ms. Baby Go.
“Noon pa sinasabi ko sa kanya, mag-aabot din kami. Dito, magka-level na kami dahil lovers kami at hindi mag-ina,” aniya.
Dagdag pa niya, handa raw siya sa mga love at sexy scenes sa pelikula.
Wala rin daw awkward factor o ilangan sa kanila ni Enzo dahil palaban din daw sila dahil pareho raw naman silang Bench models at rumarampa nang sexy.
Kumportable na rin niyang katrabaho si Enzo dahil kilala na nila ang isa’t isa, kahit pa sabihing gumanap na siyang nanay nito sa serye at considering na mas matanda pa ito sa kanya.
Ang Sumpa ni Loreta ay kukunan sa Dumaguete.
Kasama rin sa cast sina Ariella Arida, Polo Ravales at Mr. World Philippines 2018 JB Saliba.